top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

YVES AT GILLIAN, HAWAK-KAMAY NA KAHIT 'DI PA MAGDYOWA

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 4, 2023
2 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | August 4, 2023



Inamin na ni Gillian Vicencio na may mutual understanding sila ng ka-love team niyang si Yves Flores sa ginanap na mediacon nila na ReTox 2 Be Continued spin-off sa hit series na 2 Good 2 Be True nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na ipinalabas noong 2022 sa Kapamilya Channel at Online.


Bukod kasi sa KathNiel ay nabuo rin ang love team nina Yves as Red at Gillian as Tox kaya naging ReTox na kinakiligan din ng lahat.


Inamin ng mga direktor na sina Denise O’Hara at Paco Sta. Maria na nakitaan nila ng kilig sina Red at Tox dahil iba ang samahan nila sa kuwento at hindi ito pilit kaya naisip nilang gawan ito ng ibang kuwento after nina Daniel at KathNiel.


Kapansin-pansin din naman kasi ang body language nina Yves at Gillian habang ongoing ang presscon kaya’t iisa ang tanong ng lahat kung ano na ang real score nila.


Sabi ni Yves ay walang aaminin, pero sa tanong kay Gillian kung may mutual understanding na sila ng aktor, “Siguro naman po, meron nang mutual understanding about each other’s feelings," aniya kaya nagtakip ng mukha si Yves na natatawa.


Salo ni Yves, “Actually, ganyan din ang tanong sa amin ng mga co-actors namin sa 2 Good 2 Be True. Lalo na ako, lagi akong nako-corner kung ‘Ano na, ano na?' Sabi ko, ‘Bakit ako ang tinatanong ninyo, dapat si Gillian ang tanungin ninyo.’”


Pero inamin ng dalaga na noong isinu-shoot nila ang 2 Good 2 Be True ay nagsabi raw sa kanya ang aktor kung puwede siyang ligawan after two years. Hindi raw nakasagot si Gillian dahil hindi niya alam kung nagbibiro o hindi si Yves, kaya dinedma niya.


Sagot ni Yves, “May isang taon pa naman (natitira).”


Pero aminado ito na lumalabas sila na silang dalawa lang, lalo na kapag nasa Manila si Yves dahil nga taga-Tarlac siya kaya nilulubos na niyang magkaroon sila ng alone time together.


Hindi raw nila namamalayan na nagho-holding hands na sila kasi nga barkada talaga sila at wala silang malisya sa isa’t isa.


Anyway, abangan ang journey ng ReTox na nagsimula nang umere noong Wednesday, August 1 sa ABS-CBN YouTube Channel.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page