top of page

‘Yung maaalala siya sa showbiz… DENNIS, GUSTONG MAKILALA BILANG RESPETADONG AKTOR

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 16, 2024
  • 3 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | June 16, 2024



Showbiz Photo

      

Domesticated wife kung ilarawan ng Kapuso actor na si Dennis Trillo ang kanyang misis na si Jennylyn Mercado.


Si Jennylyn daw mismo ang nag-aasikaso ng gamit niya kapag pupunta si Dennis sa taping. 


“Oo naman,” diin ni Dennis, “siya talaga ang gumagawa. Wala na akong ginagawa, itsetsek ko na lang. Okay naman.”


Si Jennylyn daw talaga ang may gusto na siya mismo ang nag-aasikaso ng gamit ni Dennis.


“Pero s’ya talaga ang may gusto nu’n, alam mo ‘yun. Siyempre, gamit mo, ikaw dapat ang nag-aayos. Gusto n’ya s’ya, eh. Kaya hinahayaan ko na lang s’ya,” tsika ni Dennis nu’ng makausap namin siya kamakailan.


Never din daw nagkaroon ng kompetisyon sa kanila ni Jennylyn.


“Siguro, nangyayari lang ‘yun ‘pagka,” natigilan si Dennis habang iniisip ang kanyang sagot. 


Sunod ng aktor, “Paano ko kaya sasabihin ito?... Kasi siyempre, ‘pag mag-partner, nagtutulungan nga, eh. Hindi mo dapat talaga iniisip ‘yung kumpitensiya.


“Imbes na iniisip mo ‘yung kumpitensiya, kailangan magtulungan kayo kung paano n’yo i-improve ang mga sarili.”


Wala na raw ginawa sina Dennis at Jennylyn kundi suportahan ang isa’t isa.


“So kami, lalo na nu’ng ikinasal kami, wala kaming ginawa kundi suportahan lang ‘yung isa’t isa sa mga gustong gawin, sa mga planong gawin, sa mga currently na ginagawa.


“So, naging ugali na namin ‘yun na talagang maging supportive sa isa’t isa. Si Jen, s’ya pa talaga ‘yung nag-aayos ng gamit ko papunta sa taping. Sinisigurado n’ya na kumpleto lahat. Wala akong maiiwan. 


“So, ganu’ng level ng pagsusuporta talaga,” proud na sabi ni Dennis sa kanyang misis.

Bilang aktor naman ay ‘di maitatanggi na nakagawa na ng sarili niyang marka sa industriya si Dennis.


Tinanong namin siya kung paano niya gustong maalala bilang aktor.


“Siguro, gusto kong maalala nila ako bilang isang… ano ba?” tanong din ni Dennis.


Sagot niya, “Isang respetadong aktor siguro. Dahil buong karir ko, ‘yun ‘yung talagang ibinibigay ko. Ma-earn ko ‘yung respect ng mga tao sa pagtrato ko sa kanila, sa trabaho na ibinibigay ko sa kanila.


“Basta sa lahat ng aspeto ng bagay siyempre, gusto ko lang ‘yun. Balang araw, maaalala lang nila na inirerespeto ang isang Dennis Trillo.”


And as a person, ang gusto lang niya ay maalala siya ng mga taong natulungan niya.

‘Yun na.



Kaliwa’t kanan ang proyekto ni Direk Njel de Mesa matapos manalo ng Best International Film Director sa katatapos lang na Jinseo Arigato International Film Festival sa Japan. 


Wagi rin para sa kanyang pelikulang Malditas in Maldives sina Arci Muñoz at Kiray Celis para sa mahusay nilang pagganap. Ngunit bunsod ng tagumpay niya sa ibang bansa, sinimulan na ni Direk Njel ang matagal na niyang pangarap - ang magkaroon ng isang animation studios sa Japan.


Talagang nakaka-proud bilang Pilipino na magkakaroon na ng Filipino anime characters na pasisikatin pa sa Japan mismo (kung saan galing ang animé) katulad ng Mga Obra ni Maestra na tatlong Pinoy na bagets sa Japan na may superpowers pero hindi sila pinapayagan ng kanilang magulang dahil underaged pa silang maging superhero.


Ang cute na cute na si Ulap naman ay patok na patok sa mga chikitings. Kinagigiliwan ito ng mga Sanrio fans dahil sa simple nitong disenyo at nakakatuwang backstory, na isang ulap na nalaglag sa lupa dahil sa katamaran niyang lumipad.


Si Bong Adarna naman ay isang matanong na ibon, at si Bumpira ay isang cute na multong bampira. 


Si Propesor Wika ay bantog na propesor sa rap at hiphop. Pero ang pinakagigiliwan sa Japan ay sina Olga at Naknak, tandem na manananggal na maarte, at ang asungot niyang sidekick na tiyanak.


Talagang kailangan nating abangan itong mga ilalabas ng NDMstudios Animation Japan na talagang itinataguyod ang pagka-Pilipino sa ibang bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page