top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

'Yun, oh! DIREK LINO, GUSTONG IDIREK ANG EX NA SI KC

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 27, 2022
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | December 27, 2022



Napakalaking break para kay Heaven Peralejo ang pelikulang Nanahimik ang Gabi produced by Rein Entertainment ng tatlong directors na sina Lino Cayetano, Philip King at Shugo Praico.


Ipi-fill daw ni Heaven ang void sa hilera ng mga bagong leading ladies sa henerasyon ngayon.


“Definitely,” diin ni Direk Shugo nu’ng makausap namin siya at sina Direk Lino and Direk Philip sa presscon ng Nanahimik ang Gabi.


“Ibang-iba siya sa movie. Nagulat nga kami, eh. Sabi nila, 'Ibang Heaven na ‘to sa susunod paglabas ng pelikulang ito.'”


Bukod sa pagiging producer, si Shugo rin ang director ng Nanahimik ang Gabi na isa sa official entries sa Metro Manila Filmfest na palabas sa mga sinehan ngayon nationwide.


First time rin ni Direk Shugo ang magkaroon ng pelikula na kasali sa MMFF kaya excited siya.


Ang Nanahimik ang Gabi is a suspense-thriller film na tumatalakay sa “sex industry” sa bansa.


“At hindi lang ho siya kuwento ng dalawang lihim na pag-ibig. Tungkol din ito sa mga desisyon sa punto ng ating buhay na dapat handa ka sa mga consequences ng desisyon na ‘yun,” paliwanag ni Direk Lino.


Sobrang humbling naman ang feeling ni Direk Shugo na maihilera sa mga award-winning directors na may pelikula rin sa MMFF gaya nina Joel Lamangan at Mikhail Red.


“Sobrang thankful na masama ka lang sa hilerang ‘yun, eh, ano na, nakaka-proud. Ayun, masaya.”


Nag-e-expect ba siya ng award sa MMFF para sa Nanahimik ang Gabi?


“Hahaha! Hindi po. Nu’ng ginawa namin ‘yung movie, ang nais namin ay maipahatid ‘yung mensahe ng pelikula sa mga tao. Marami lang makapanood ng pelikula, masaya na kami,” sabi ni Direk Shugo.


Samantala, tinanong namin si Direk Lino kung gusto ba niyang idirek ang ex-girlfriend niya na si KC Concepcion.


“Sabi na nga ba, eh,” reaksiyon ni Direk Lino.


“I think, oo. Gusto naming makatrabaho si KC, maraming mga (artista). When we went to Singapore to represent the Philippines, parang sabi namin sa kanila, marami pa kayong hindi nakikilala. Ang galing ng mga Pilipino.


“And we’re so excited to continue to carry the platform with other Filipino actors.


“Si, Arjo (Atayde), nakilala na sa buong mundo dahil sa Bagman. Sina Direk Ruel Bayani, they brought Cattleya Killer in Cannes in France. Ang daming nagulat,” pahayag ni Direk Lino.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page