top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

‘Yun na! ANGELICA, NABUNTIS LANG, ‘DI PA INAALOK NG KASAL NG BF

BULGAR
Mar 21, 2022
2 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | March 21, 2022



Dinagsa ng pagbati ang Kapamilya actress na si Angelica Panganiban pagkatapos kumpirmahin sa social media ang kanyang pagdadalantao.


Nagpasalamat naman si Angelica sa mga netizens through her Twitter account sa lahat ng nag-congratulate sa kanya.


Tweet ni Angelica, “Maraming-maraming salamat sa inyong lahat.”


Marami rin sa kanyang mga Twitter followers ang nagpahayag ng love and excitement sa paglabas ng baby niya at ng kanyang partner na businessman na si Gregg Homan.

“Congratulations, Angge..... soooo happy for you! I love you... ‘di mo pa man inilalabas si baby... love na love ko na siya ...@angelica_114”


“Take care Angge... There's another angel inside an angel.”


“Literal na dasurb (deserve) na dasurb n’yo po, Ms. Angge. Waiting po sa maraming content ng babies n’yo sa Insta.”


Sa Twitter ay inihayag din ni Angelica na magla-lie-low muna siya sa paggawa ng projects.

Ini-repost ni Angelica ang question ng isang netizen sa kanya kung may balak ba siyang iwan ang showbiz.


Sa caption ng ini-repost niyang tweet, inilagay niya ang kanyang sagot, “Pahinga siguro. Kapag may family na ‘ko, parang mamimili na lang ako ng gagawin. Kasi sa isang isla na ‘ko nakatira nu’n.”


Ang isla na tinutukoy ni Angelica ay malamang sa may bandang Zambales. Naka-based kasi ang dyowa ni Angelica sa Subic, Olongapo City.


Ang sunod na wish naman ng mga netizens ay ang kasal nina Angelica at Gregg.

“Wow, congrats! Next, wedding bells naman sana.”


“Much better sana if magpakasal na sila hangga’t hindi pa siya nanganganak. But still, congratulations.”


“Bakit ba ‘pag nabuntis, ipipilit ng ibang tao na kasal na ang sunod? Are my values twisted o napaka-backward at overly conservative ng thinking na ‘to?”


Curious naman kaming malaman kung may naganap kayang engagement kina Angelica at Gregg? Nakapag-propose na ba si Gregg kay Angelica?


Anyway, isa kami sa masasaya for Angelica sa balitang buntis na siya. Always remember, a baby is always a blessing.


Knows naman ng publiko ang pinagdaanan ng love life ni Angelica na pawang taga-showbiz ang kanyang ex-boyfriends. At sa isang non-showbiz guy siya nagkaroon ng baby.


Hmmm….


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page