‘Yun lang!... KARLA TODO-EXERCISE, PERO ILALIM NG KAMA, BUKING NA PUNO NG PAGKAIN

Julie Bonifacio - @Winner | December 28, 2020

Lumipad din papuntang Boracay ang isa sa mga hosts ng Magandang Buhay na si Karla Estrada kahapon.
Last time ay naisulat namin ang paglipad din sa Boracay ng isa ring Kapamilya celebrity na si Kim Chiu kasama ang kanyang pamilya at boyfriend na si Xian Lim.
This time, si Momshie Karla naman ang gumora sa Bora. Not sure lang kung kasama niya ang mga anak at boyfriend na si Jam Ignacio.
Base sa ipinost na piktyur ni Karla sa kanyang Instagram account kahapon, ang pamangkin niyang si Jordan ang kasama niya sa piktyur habang nasa loob ng eroplanong maghahatid sa kanila sa isla ng Boracay.
"Nalalasahan ko na ang alat ng dagat at ng mga (emojis ng fish and other sea food). Sea you soon (with matching emojis ng two-piece swimsuit)," caption ni Karla sa piktyur nila ni Jordan.
Dahil wala pang ibang piktyur na ipinost si Momshie Karla sa iba pa niyang kasama na nagpunta sa Bora bukod kay Jordan, na-curious tuloy ang mga netizens na alamin kung kasama rin ni Queen Mother ang kanyang mga anak including Daniel Padilla and Kathryn Bernardo.
"Kasama ba ang KathNiel sa Boracay?"
Inaabangan naman ng ilang netizens ang pagrampa ni Momshie Karla sa beach na naka-swimsuit.
Sa isang IG post kasi ni Momshie Karla bago ang paglipad niya sa Boracay, ipinakita niya ang larawan niya habang nag-e-exercise.
Caption ng IG post niya, "Bago sumabak sa dagat at para mabigyan ng hustisya ang mga pa-swimsuit! #balakadyan”
Inulan naman ng mga cute na pambubuska si Momshie Karla mula sa mga netizens. Tinukso ang mommy ni DJ tungkol sa nadiskubreng mga "pektus" ni Vice Ganda during the shoot of his vlog for his YouTube channel.
Ang mga "pektus" na 'yun ay mga junk foods na nakatago sa ilalim ng kama ni Momshie Karla.
"Kapag napagod na po kayo, may chips sa ilalim ng kama. Sorry pero hanggang ngayon, tawang-tawa pa rin ako ru’n."
Panay naman laughing emojis ang reply ni Momshie Karla sa mga nag-post ng comment tungkol sa mga junk food na nakatago sa ilalim ng kanyang kama.
'Yung ibang followers ni Momshie Karla ay excited nang makita ang pagpo-post niya ng picture na nakasuot ng swimsuit.
"Naku, ha, expect na ‘ko sa swimsuit competition! Hahaha."
"Push mo ‘yan Queen Mother.”
"Chubby is new sexy Ms. Karla.”
Bukod kina Momshie Karla at Kim, balitang nasa Boracay din si Jackie Forster at mga anak, gayundin ang mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati with their two kids.
Malamang sa Boracay na mag-celebrate ng Bagong Taon si Momshie Karla. At kung kasama naman niya ang kanyang boyfriend, ‘di kaya may maganap ding marriage proposal kay Momshie Karla sa Bora?
Anyway, nakapag-ipon na ng taped episodes ng Magandang Buhay for the holidays si Momshie Karla at mga kasamahan niyang hosts na sina Momshies Jolina Magdangal and Melai Cantiveros.
Kaya pagbalik ni Momshie Karla from Boracay, malamang, sasalang ulit agad siya sa MB na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes sa A2Z Channel 11, Kapamilya online at iba pang digital platforms ng ABS-CBN.





Comments