‘Yun daw ang gustong maging legacy… ALDEN, MAGPAPAARAL NG MGA SCHOLARS HANGGANG MAMATAY

ni Vinia VIvar @Frankly | October 7, 2026

Photo: Alden Richards sa Rebuilding Broken Rooms - IG
Talagang nag-time-out si Alden Richards sa trabaho para lang makadalo sa National Teacher’s Day event na ginanap last Monday (October 5) sa Araneta Coliseum.
May taping siya ng serye niyang Code Grey nang araw na ‘yun pero nagpaalam siya sa produksiyon dahil ayaw daw niyang palampasin ang pagkakataon na makapagbigay-pugay at magpasalamat sa ating mga guro.
Habang nagbibigay ng kanyang speech ay hindi napigilan ng aktor na maging emosyonal nang sabihing nu’ng gawin daw niya ang kanyang documentay na Rebuilding Broken Rooms ay nasaksihan niya mismo kung paanong napapabayaan ang edukasyon sa ibang panig ng ating bansa.
Ang Rebuilding Broken Rooms ay GMA Public Affairs documentary special hosted by Alden na inilabas noong Agosto. Tumatalakay ito sa problema ng edukasyon sa ating bansa.
Isa ring education advocate si Alden at 10 years na siyang tumutulong sa pagpapaaral ng mga estudyante sa pamamagitan ng kanyang AR Foundation.
“This is my mission until the day I die,” sey niya sa panayam ng 24-Oras after the event.
“Alam ko ‘yung feeling na walang pambayad ng tuition. Alam ko ‘yung feeling na parang naiiwan ka na kasi ‘yung mga kaklase mong may pera, ‘yung mga ka-batch mong may pera, naunang mag-college. Ikaw, naghihintay.
“If we want change, then we have to be consistent. Kung walang gagawa, ako ang gagawa, in secret,” pahayag niya.
Dagdag pa ng Asia’s Multimedia Star, “This is what feeds my soul.”
At para sa mga estudyanteng kanyang natulungan, nilinaw ni Alden na wala siyang hinihinging kapalit.
“Wala kayong utang na loob, ha?” aniya na nagsisimula na namang maging emosyonal, “Sa akin, or sa foundation or kung sino man.”
Patuloy niya, “Ako, naniniwala kasi ako na ang utang na loob ang pinakamahirap na bayarang utang sa lifetime na ‘to, sa lifetime na ibinigay sa atin ni Lord.”
Ang hiling lang daw niya sa kanyang mga scholars, sana ay tumulong din ang mga ito sa ibang estudyante kapag kaya na.
“So, what I tell my scholars is ‘When the time comes na ready na kayo, kayo naman.’”
At tuluyan nang napaiyak si Alden habang sinasabing “That’s my legacy, that’s it, ‘yun na ‘yun. That’s how I wanna be remembered – na may ginawa ako.”
Nagagamit daw sila para sumikat…
MAUI SA VMX BABES: SEE YOU IN 20 YRS.
ITINANGGI ng original Viva Hot Babes member na si Maui Taylor ang tungkol sa iringan ng grupo nila at ng bagong female sexy group ng Viva na VMX Babes.
Naging usap-usapan kasi ang umano’y pagkakakansela ng guesting ng VMX Babes sa reunion concert ng Viva Hot Babes ngayong Oktubre.
Ang lumulutang na issue, mismong ang Viva Hot Babes ang nagpakansela ng guesting ng VMX Babes.
Sa mediacon ni Maui para sa kanyang bagong Vivamax project na Pantaxa Laiya Uncut na ginanap last Monday ay isa nga ito sa mga itinanong sa kanya ng entertainment press na kaagad naman niyang nilinaw.
“First thing, wala po kaming power para magpa-cancel ng artist. I will clarify for the first and last time, it is a management decision,” sey ng aktres.
“Hindi dahil sa amin iyon. We do not have the power to do that,” dagdag pa niya.
Bagama't hindi raw niya pinepersonal ang mga tila patutsada ng VMX Babes sa kanilang grupo, sey ni Maui ay magkaroon naman daw sana ng respetuhan sa pagitan ng mga artists na nasa ilalim ng iisang kumpanya.
“Sana walang tapakan. I don’t think may tinapakan ang grupo namin para makarating sa kung sino kami,” sey niya.
Natanong din si Maui kung nasaktan ba ang Viva Hot Babes sa mga naging patutsada ng sister group nila sa Viva Entertainment.
“Hindi siya masakit… but if you call us ‘ates’, why are you stepping on us? We are under one company, dapat magkakapatid tayo.
“Bakit parang feeling namin is nagagamit kami, in order for them na mas makilala sila?” aniya.
Nilinaw din ng sexy actress na hindi naman niya ipinagkakait sa VMX Babes ang pagkakataong gumawa ng sariling pangalan sa industriya.
“Ang hindi lang namin gusto ay ‘yung sunud-sunod nilang press release na they are better than the Viva Hot Babes. Ano pa ba? Ang dami pang lumabas, eh,” sey niya.
Mensahe niya sa bagong grupo, “They have to prove themselves. See you in 20 years.”
Samantala, bukod sa upcoming reunion concert, nakatutok din ngayon ang sexy actress sa kanyang bagong project na Pantaxa Laiya: Uncut.
Si Maui ang host ng special, habang si Carlo Alvarez ang direktor.
Tampok sa Pantaxa Laiya: Uncut ang raw materials at behind-the-scenes footage mula sa Pantaxa Laiya reality show, na layuning makapili ng mga susunod na Viva sexy stars.
Walo ang naging contestants sa reality show—sina Angelica Hart, Audrey Avila, Aiko Garcia, Apple Dy, Aria Bench, Aila Cruz, Armina Alegre, at Cess Garcia.





Comments