top of page
Gerald Anderson, Kim Chiu, Julia Barretto at Bea Alonzo - IG.jpg

Todo-flex daw sa mga ginagastos, ayaw magbayad… OGIE, ‘DI NA NAKATIIS, MINURA NA SA FB POST ANG MGA MAY UTANG SA KANYA

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
3 min read

ni Mercy Lejarde @Talkies | October 7, 2026



OGIE, ‘DI NA NAKATIIS, MINURA NA SA FB POST ANG MGA MAY UTANG SA KANYA

Photo: Ogie Diaz YT



“Kahit pautay-utay, magbayad kayo,” ito ang paalala ng aktor-talent manager na si Ogie Diaz sa mga may utang sa kanya na ipinost niya sa kanyang Facebook (FB) Stories.


Dagdag pa ni Ogie, “‘Di na nga kayo tinubuan, ‘di pa kayo marunong magparamdam at humingi ng pasensiya/palugit.


“Post nang post ng mga gastusan, tapos, ‘pag sinisingil, parang kasalanang singilin sila.

“Tigilan ang mga kayabangan kung ‘di marunong magbayad ng utang, *na n’yo, ha?”


Well, bayaran na sana si Panyerong Ogie para makapag-produce ulit siya ng magandang pelikula at makasali sana sa Puregold CinePanalo Film Festival. 

‘Yun na!





Misis ni Chiz, ayaw mamatay nang mag-isa… 

HEART: ‘DI PERA KUNDI DAMI NG NAGMAMAHAL ANG SUKATAN NG TAGUMPAY



VERY interesting ang naging usapan sa programang The People Have Spoken (TPHS) nang mag-guest sina Glaiza de Castro at Gabby Eigenmann.


Sa panayam, tinanong ang dalawa kung paano sinusukat ang tagumpay ng isang tao.


Tanong ni Heart Evangelista, “Paano mo susukatin ang success o tagumpay ng isang tao? A. Sa dami ng pera at kayamanan. B. Sa nararamdamang happiness. C. Sa dami ng nagmamahal.”


Ang piniling sagot nina Glaiza at Gabby ay A, sa dami ng pera at kayamanan.

“Sa panahon kasi ngayon, kailangan ng pera, eh. ‘Pag wala kang pera, malungkot ka, automatic ‘yun. ‘Pag may pera ka, masaya ka. Pero kung success, actually, sa totoo lang, ‘yang tatlong ‘yan, dapat na magkakaakibat ‘yan, eh,” paliwanag ni Gabby.

Samantala, tinanong naman ng co-host ni Heart sa TPHS na si Sean Lucas kung paano sinusukat ng aktres ang kanyang success.


“Heart, ikaw, how would you measure your success?” tanong ni Sean.

“S’yempre, ang nakakatuwa tingnan, kung iisipin, sa dami ng pera at kayamanan.


“But ‘pag marami ang pera mo at marami kang kayamanan, sad to say, the reality is not all the time, you are happy. At not all the time, maraming magmamahal sa ‘yo... May saying pero ang alam ko, ‘di ito ‘yung exact words. ‘Those who desire more are poor, he who desires less is rich.’


“So, para sa ‘kin, du’n ako sa rami ng nagmamahal. Kasi siguro, ‘pag dumating ‘yung panahon na ga-graduate ka na nga, ang importante sa ‘kin, maraming mga nakahawak sa ‘kin. And I shall pass happy,” pahayag ni Heart. 


Well, pare-parehong may punto naman sina Gabby, Glaiza at Heart. Importante ang may pera at may nagmamahal sa ‘yo. 

Pak, ganern!





NAG-UWI ng pinakamaraming parangal ang DZMM Radyo Patrol 630 mula sa mga AM radio stations sa bansa sa nagdaang 29th KBP Golden Dove Awards, kung saan kinilala ang mga batikang broadcaster at programa nito.


Kinilala bilang Best Public Affairs Program Host ang Balitapatan anchor na si Peter Musñgi, Best Newscaster si Alvin Elchico para sa programang Radyo Patrol Balita Alas Siyete, Best Public Service Host si Niña Corpuz para sa kanyang public service show na Nagseserbisyo Niña Corpuz, Winnie Cordero bilang Best Magazine Program Host sa kanyang magazine show na Win Today, at ang Ligtas Dapat host na si Ariel Rojas bilang Best Science & Technology Journalist.


Nagwagi rin ang public service show nitong Aksyon DOLE sa DZMM bilang Best Public Service Program, habang inuwi ng DZMM TeleRadyo documentary na Yanig: Lindol sa Pilipinas ang Best Documentary Program award.


Nangunguna rin ang DZMM Radyo Patrol 630 bilang most trusted AM radio station base sa survey ng PUBLiCUS Asia Inc. sa unang kalahati ng 2026.


Patuloy din ang selebrasyon nito ng ika-40 taong anibersaryo sa pagbabalita at pagseserbisyo-publiko sa radyo.


‘Yun lang, and I thank you.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page