top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Yumabang daw talaga… ZEINAB, AMINADO SA PANINIRA SA MGA KAPWA VLOGGERS AT CELEBS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 21, 2022
  • 2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | November 21, 2022



Hindi itinatanggi ng kontrobersiyal na social media influencer na si Zeinab Harake na yumabang siya nang makaramdam ng kasikatan.


Sa kanyang panayam sa The Interviewer Presents Zeinab Harake ni King of Talk Boy Abunda, isa ito sa kanilang mga napag-usapan.


“You’re one of the most-loved social media stars. Sumikat ka nang husto. May mga pagkakataon ba na yumabang ka?” diretsong tanong ni Boy kay Zeinab.


“Opo, meron. Hindi tayo magpapaka-plastic. Like, meron po talaga na hindi mo makokontrol,” pag-amin ni Zeinab.


“Pero hindi ko naman po siya para makasakit ng iba. Hindi ganoon. Nami-misunderstood lang kasi 'yung bunganga ko minsan talaga, taklesa ako, eh. Natural lang ‘yun sa bunganga ko. Pero minsan, napapasama. Kaya ang dating sa iba, mayabang,” patuloy ni Zeinab.


Of course, isa rin sa mga importanteng napag-usapan ay ang pinakahuling kontrobersiyang kinasangkutan ni Zeinab kung saan ay marami ring big stars ang nadamay, pati na ang kanyang malalapit na kaibigan.


Ito nga ‘yung naging issue nila ng talent manager na si Wilbert Tolentino na siyang nagsiwalat ng mga “resibo” ng mga hindi magandang pinagsasasabi ni Zeinab laban sa mga kapwa vloggers at celebrities.


Sinabi pa nga ng talent manager na traydor daw ang social media influencer.


Tanong ni Kuya Boy, “Ano ‘yung pagkakamali na nagawa mo sa palagay mo rito sa kontrobersiyang ito?”


Sagot ni Zeinab, “Marami po, like masama na 'yung binibitawan kong salita na hindi ko man lang… 'yung mga nakalabas po na mga salitang ano, like pagkakita ko, ‘Oh, my God!’ napa-ganu’n na lang ako. ‘Bakit ko 'yan sinasabi sa iba?’ Mga ganoon na hindi ko talaga alam din.”


Umpisa pa lang ay alam na raw niya na mali talaga ang kanyang ginawa kaya naman nag-sorry siya agad-agad sa mga taong nadamay.


“Hindi ko ide-deny kasi ako 'yun, eh. Hindi ko naman itinanggi. Inako ko kaagad, tapos nag-sorry ako agad. Kasi pagkakita ko pa lang, alam kong mali. Alam kong makakasakit ako,” aniya.


Aminado rin si Zeinab na nalungkot din daw siya para sa sarili niya dahil sa kanyang pinaggagawa.


“Ako rin, napi-feel sorry ako sa sarili ko kasi, ‘Ano ba'ng pinaggagagawa mo? Ano'ng tingin mo sa sarili mo?’ Parang may mga ganu’n ako,” emosyonal niyang sabi.


But the thing is, hindi raw niya kayang patawarin ang kanyang sarili.


“'Yung unang hiningan ko ng tawad, ‘yung mga tao. Tapos, ang unfair kasi sa part ko, ‘yung sarili ko, ‘di ko magawang hingan ng tawad o patawarin kasi totoo naman, eh. Masyado na akong nilalamon ng kung anu-ano and sa sobrang daming. . .kahit naman sino sa sitwasyon ko, masyado pa po talagang… pagulu-gulo na, eh. Hindi ko na nalalaman kung… 'yung sinabi ko po kanina, nawawala ako,” lahad ni Zeinab.


Sa huli, ayon sa influencer ay gusto lang niyang maging okay.


“'Yung 100% okay ako para po maging maayos na tao ako, nanay,” umiiyak na wika ni Zeinab.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page