top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Yumabang daw… RURU, AMINADONG NAG-FEELING BIG STAR NANG MAKASAMA SA ENCANTADIA

BULGAR
Jul 5, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | July 5, 2022




Hindi ikinahihiyang aminin ng Kapuso actor na si Ruru Madrid na noong nakasama siya sa Encantadia ay nag-feeling big star siya at medyo nagkaroon ng ere at angas.


Napakalaking exposure kasi ang Encantadia para sa kanya at markado pa ang kanyang role na ginampanan.


At marami rin ang nagsasabing si Ruru ang posibleng next Dingdong Dantes ng GMA Network. Kaya naman, sumobra ang kanyang kumpiyansa sa sarili. Hindi niya akalain na hindi ganu'n kadali ang proseso ng pagsikat.


At noong panahon na 'yun ay may mga guwapong Kapuso actors ang bigla ring sumikat at dumami ang kanyang kakumpitensiya. Du'n niya na-realize na hindi niya agad-agad na maaabot ang puwesto na narating ni Dingdong.


Nakaranas din siya ng depression. Naisip na niyang mag-quit sa showbiz at mag-aral na lang.


Pero sa payo ng mga taong nagmamalasakit sa kanya, ipinagpatuloy ni Ruru ang kanyang career.


Ngayon, mas positibo ang kanyang outlook sa buhay. Determinado siyang ipakita sa lahat na may ibubuga siya sa pag-arte.

Biggest challenge para kay Ruru ang pagganap sa action seryeng Lolong. Matitindi ang kanyang mga eksena rito at ilang beses siyang naaksidente sa kanyang mga stunts na ginawa.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page