top of page

Yulo, hindi naka-podium sa floor exercise sa WGC

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 7, 2022
  • 1 min read

ni MC - @Sports | November 7, 2022



ree

Bigo si Olympian Carlos Yulo na makuha ang gold medal sa kanyang pet event kung saan nagtapos ito na pang-pito sa men’s floor finals sa 2022 World Gymnastics Championships noong Sabado (Manila time) sa Liverpool, United Kingdom.


Si Yulo, na nanguna sa qualifying round na may score na 15.266, ay natisod sa kanyang finals performance upang makatanggap ng 13.300 sa built, 6.200 sa difficulty at 7.100 sa execution.


Ang kanyang output, gayunpaman, ay hindi sapat upang umakyat sa podium habang siya ay napunta sa ikapitong puwesto sa walong kakumpitensya.


Dinomina ni Giarnni Regini-Moran ng Great Britain ang event sa kanyang 14.533 finish para angkinin ang ginto habang si Daiki Hashimoto ng Japan ay nagkasya sa pilak na may 14.500 habang ang kanyang kababayan na si Ryosuke Doi ay nakasungkit ng bronze na may 14.266.


Noong 2019, nanguna si Yulo sa parehong kaganapan ngunit nagawang magtapos lamang sa ikalimang puwesto sa 2021 edition, kung saan siya rin ang namuno sa vault event. May natitira pang dalawang event si Yulo kahapon habang isinusulat ito sa finals ng parallel bars at vault.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page