YouTube channel nila, inangkin daw… TVJ, MAY BAGONG KASO VS. TAPE
- BULGAR
- Sep 12, 2023
- 1 min read
ni Beth Gelena @Bulgary Files | September 12, 2023

Magsasampa umano ng panibagong kaso sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon kaugnay sa kanilang YouTube channel na diumano’y inangkin ng TAPE, Inc. ng mga Jalosjos. Ang naturang YT channel ay may 5 million subscribers na.
Ayon sa abogado ng TVJ, maaari raw silang magsampa ng kasong cyber crime kung na-hack sila para makuha ang naturang channel.

Sinabi naman ng abogado ng TAPE na nakipag-ugnayan sila sa YouTube upang mapalitan ang e-mail at napagbigyan naman daw sila dahil nakapangalan sa TAPE ang naturang channel.
Pero, depensa ulit ng abogado ng TVJ na si Atty. Enrique Dela Cruz, Jr. na ang e-mail na ginamit upang i-register ang naturang YT channel ay hindi nakapangalan sa TAPE.
Mukhang nadagdagan na naman ang problema ng TAPE sa TVJ. Hindi pa nasosolusyunan ang mga naunang naisampang kaso ay may panibago na namang kakaharaping problema ang TAPE.





Comments