top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Young, nagpatabla sa 2-2; Clippers, parehas sa Jazz

  • BULGAR
  • Jun 16, 2021
  • 2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | June 16, 2021




Naglaro na parang beterano ang 22-anyos na si Trae Young upang itulak ang Atlanta Hawks sa 103-100 panalo sa bisitang Philadelphia 76ers sa Eastern Conference semifinals ng 2021 NBA Playoffs kahapon sa State Farm Arena. Bumida si Young sa second half upang maitabla ang seryeng best of seven sa 2-2.

Ibinigay ni Young ang lamang sa Atlanta, 99-98, at 1:17 ang nalalabi sa orasan. Sinundan ito ng kanyang apat na free throw, kasama ang dalawa sa huling 6.6 segundo upang masiguro ang panalo.

Bago noon, ipinasok ni Young ang 9 ng kanyang 25 puntos na may kasamang 18 assist sa third quarter upang unti-unting burahin ang 60-48 lamang ng Philadelphia sa second quarter at kumuha ng tulong kay Bogdan Bogdanovic na may 22 puntos. Namuno sa 76ers si Tobias Harris na may 20 puntos at sinundan nina Joel Embiid na may 17 puntos at 21 rebound at Seth Curry na may 17 puntos din.

Sa Western Conference, tabla na rin ang serye ng Los Angeles Clippers at bisitang Utah Jazz sa 2-2 matapos ang 118-104 tagumpay ng Clippers sa Game 4 sa Staples Center simula 8:30 ng umaga. Nagpiyesta ang Los Angeles sa gitna ng matamlay na laro ng Jazz at umabot ng 29 ang lamang sa second quarter, 51-22.

Inalagaan ng Clippers ang kanilang lamang patungo sa ikalawang sunod na panalo sa serye. Hindi nakaranas ng peligro ang Los Angeles kahit natapyasan ng Jazz ang agwat sa 10 papasok sa huling 2 minuto, 102-112.

Samantala, inilabas na ng NBA ang mga 2021 All-Defensive First Team na kinabibilangan nina 2021 Kia NBA Defensive Player of the Year Rudy Gobert ng Jazz, Giannis Antetokounmpo at Jrue Holiday ng Milwaukee Bucks, Draymond Green ng Golden State Warriors at Ben Simmons ng Philadelphia 76ers. Dalawang iba pang 76ers na sina Embiid at Matisse Thybulle ang nasa Second Team kasama sina Leonard ng Clippers at Bam Adebayo at Jimmy Butler ng Miami Heat.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page