top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Yorme, nataranta… ANGELINE, HINIMATAY SA SHOW NI ISKO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 30, 2023
  • 1 min read

ni Beth Gelena @Bulgary Files | January 30, 2023




Hindi lang pala magaling na singer kundi magaling ding aktres si Angeline Quinto.


Akalain n'yo 'yun, napaniwala niya si dating Manila Mayor Isko Moreno na hinimatay siya sa guesting niya sa Iskovery Night YouTube channel ng aktor-pulitiko?


Sa nakaraang guesting ni Angge, pinrank niya si Yorme sa kalagitnaan ng interview.


Nu'ng simula pa lang ng chikahan nila, para maging kapani-paniwala, sinabi na ni Angge na masama ang kanyang pakiramdam at masakit ang kanyang ulo.


Kaya nu'ng bandang gitna na, tumayo si Angge para kunwari'y mag-CR at nagpaalam muna siya kay Isko.


Ilang hakbang pa lang mula sa set, kunwaring natumba at hinimatay si Angeline kaya nataranta si Yorme at pinapatay lahat ng camera. Pero dahil plano na nga ito ni Angge, may isang lumusot na nag-camera at nakunan kung paano siya hinimatay.


Kitang-kita sa video kung paano nag-alala at nag-panic si Yorme Isko na nagpatawag na ng medic.


Pero matapos ang ilang sandali, tumayo na rin si Angeline sabay sigaw ng "It's a prank!"


Kaya ang natarantang si Isko, natawa na lang din at inaming ninerbiyos siya kay Angeline.


Oh, ha?! Akala pa naman namin, matinik si Isko, naiisahan din pala! Hahaha!



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page