top of page
Search
  • BULGAR

Yorme, nang mag-file ng COC ang nag-trending #labanleni2022; VP Leni, nang mag-file ng

COC nag-trending #withdrawisko.


ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | October 10, 2021



YORME, 2 BESES NA NA-STRIKE, UNA SA PAG-FILE NIYA NG COC ANG NAG-TRENDING #LABANLENI2022 AT NANG MAG-FILE NG COC SI VP LENI ANG NAG-TRENDING#WITHDRAWISKO--

Matapos magdeklara si VP Leni Robredo na lalaban siya sa pagka-pangulo at pagkaraan ay nag-file ng COC (Certificate of Candidacy) for president ay umuusok sa galit si Presidential candidate, Yorme Isko Moreno na binatikos ang VP na kaya natuloy ang unity o pagsanib-puwersa nila ay fake leader daw ito, at tinawag pang "yellowtards" ang vice-president.


May puntong mapikon sa galit si Yorme kay VP Leni kasi naka-dalawang strike na siya sa mga tagasuporta ng VP. Una, nang mag-file ng COC for president si Mayor Isko, imbes na siya ang nag-trending, ang nag-trending sa social media ay hashtag "Laban Leni 2022" at pangalawa, nang mag-file ng COC for president si VP Leni, nagkulay pink ang social media na sinabayan nang hashtag na "Withdraw Isko" na ibig sabihin, pinapaatras na siya (Yorme) sa laban sa pagka-presidente, period!


◘◘◘


RESBAK NI TRILLANES KAY ISKO, DDS PA RIN SI YORME--Rumesbak si former Sen. Antonio Trillanes kay Yorme Isko sa pambabatikos nito kay VP Leni, lalo na nang tawaging "yellowtards" ang VP.


Tirada ni Trillanes ay walang duda daw na DDS (Duterte Diehard Supporter) pa rin si Yorme Isko kasi ang naglilitanya lang ng "Yellowtards" kay VP Leni at sa oposisyon ay mga DDS, boom!


◘◘◘


MGA NUISANCE CANDIDATE, TAOB KAY SEN. BATO SA PARAMIHAN NG SOCIAL MEDIA 'HAHA' REACTIONS--Pinataob ni Sen. Ronald "Bato" dela Rosa sa paramihan ng reactions na "haha" sa social media ang mga tinatawag na nuisance candidate na nagsipag-file ng COC for president.


Kaunti lang kasi sa mga netizens ang mga nagsipag-"haha" reactions sa pag-file ng COC for president ng mga nuisance candidates, pero nang si Sen. "Bato" na ang mag-file ng COC for president sa ilalim ng ruling party na PDP-Laban, sangkaterbang netizens ang nagtawanan, nag-hahaha reactions," ha-ha-ha!


◘◘◘


PAGYAO NG LIDER NA NAGTATANGGOL SA KARAPATANG-PANTAO, IPINAGBUNYI NG MGA DDS--Yumao na si CHR (Commission on Human Rights) Chairman Chito Gascon at sa kanyang pagyao ay marami ang nalungkot, pero kapuna-puna sa social media ay may mga DDS na ang reactions sa Facebook ay "haha."


Sa totoo lang, galit ang mga DDS kay Gascon, dahil sa madalas na pagpuna nito sa mga human rights violations ng Duterte gov't., at nang mabalitang yumao na siya, kaya ang mga Duterte supporters, naglundagan sa tuwa, ipinagbunyi ang pagyao ng CHR chairman, tsk-tsk-tsk!

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page