top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Yorme Isko, iniwan sa ere ng mga kapartido

  • BULGAR
  • Oct 16, 2021
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | October 16, 2021


NATITIRANG DDS, HINDI MARUNONG UMINTINDI NANG PALIWANAG—Nagpaliwanag na si Raffy Tulfo na malaki ang respeto niya kay P-Duterte, kaya hindi siya tatakbong bise-presidente para kalabanin si P-Duterte, at katunayan ay for senator (independent) ang isinumite niyang Certificate of Candidacy (COC) sa Comelec.


Pero sa kabila nito, ayaw pa rin siyang lubayan sa kababatikos ng mga DDS. Patunay ‘yan na ang mga natitirang DDS ay hindi marunong umintindi ng paliwanag.


Bakit natin nasabing natitirang DDS? Sa totoo lang, kung titingnan sa social media ay marami na ang tumalikod sa kasalukuyang administrasyon dahil hindi na nila gusto ang pamamalakad nito, kaya kaunti na lang ang DDS, at ang mga ex-DDS ay nakasuporta kay Raffy Tulfo, period!


◘◘◘


RAFFY TULFO, DINEDMA SA ATAKE NG MGA DDS KASI MILYUN-MILYONG TULFO AT KAPAMILYA FANATICS ANG NAKASUPORTA SA KANYA—Isa sa mga ikinagalit ng mga DDS kay Raffy Tulfo ay ang statement nito ng mag-guest siya sa ASAP ng ABS-CBN na makababalik din sa free TV/radio ang Kapamilya network, na ibig sabhin ay suportado ng broadcast journalist na mapagkalooban ulit ng prangkisa next year ang ABS-CBN.


Dahil sa sinabing ‘yan ni Raffy Tulfo ay nakuha niya ang suporta ng mga ABS-CBN supporters, at dahil d’yan, dinededma na lang ng broadcast journalist ang mga atake sa kanya ng mga DDS kasi bukod sa mga Tulfo supporters, suportado na rin siya ng mga Kapamilya fanatics, boom!


◘◘◘


HINDI LANG SINA KABAYAN AT CHAVEZ ANG KUMALAS KAY YORME, KUNDI PATI SI VILMA SANTOS—Matapos umatras si Kabayan Noli de Castro sa pagtakbong senador sa ilalim ng Aksyon Demokratiko (AD) ni Presidential candidate, Mayor Isko Moreno, ay nag-resign si Cesar Chavez bilang chief of staff ni Yorme.


Hindi lang sina De Castro at Chavez ang kumalas sa kampo ni Isko kasi nauna nang kumalas si Batangas Rep. Vilma Santos-Recto, na noong una ay sinabing kakandidato siyang senador sa partido ni Yorme, pero kalaunan ay umatras at sinabing hindi na siya tatakbo.


Sakit sa damdamin ni Yorme ‘yan kasi hindi pa nag-i-start ang campaign perioda ay iniiwan na siya sa ere ng kanyang mga kakampi, saklap!


◘◘◘


KAPAG PATI SI SAMIRA GUTOC AY KUMALAS KAY ISKO, TAGILID NA ANG KANDIDATURA NI YORME KASI BAD SA KANDIDATO NA INIIWAN SA LABAN NG KANYANG MGA KAKAMPI—May mga tsismis na kahit ang taga-Mindanao na si women’s rights advocate senatorial candidate Samira Gutoc ay nagpaplano na rin siyang kumalas sa kampo ni Yorme dahil nasaktan ito sa litanya ng alkalde na “na-inidoro” ang mga kandidato ni VP Leni Robredo noong nakaraang eleksiyon.


Masasaktan talaga ang damdamin ni Gutoc kasi kasama siya sa “Otso-Diretso” candidates na natalo sa eleksiyon noon.


Sakaling kumalas si Gutoc sa kampo ni Mayor Isko, lalong tatagilid ang kandidatura ni Yorme kasi bad sa kandidato na iniiwan sa laban ng kanyang mga kakampi, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page