Yilmaz, never nang babalikan... RUFFA, UMAMING TULOY PA RIN SILA NI BISTEK
- BULGAR
- Oct 29, 2022
- 2 min read
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | October 29, 2022

Nagtataka si Ruffa Gutierrez kung bakit parang may love team sila ng dating asawang si Yilmaz Bektas. Ang dami raw kasing naghahangad na magkabalikan sila’t isini-ship sila.
“Marami kasing mga websites ngayon na parang may Ruffa-Yilmaz love team, na kung kelan kami naghiwalay, parang gusto namang... (magkabalikan kami),” natatawang sabi ni Ruffa nang makatsikahan namin sa ginanap na grand launch ng kanyang lifestyle brand ng Gutz & Glow sa Hilton Hotel Manila, Newport World Resorts.
Natatawa pa niyang reklamo, “Ba’t ganyan ang mga Pilipino, ‘di ba? ‘Pag together kayo, gusto kayong maghiwalay. And then, when you guys are hiwalay, they wanna put you back together.”
To set the record straight, ayon kay Ruffa ay wala na raw talagang balikang magaganap pa sa kanila ni Yilmaz.
“Feeling ko, wala na talagang balikan na mangyayari. I’m sorry to disappoint the fans but I don’t wanna play any games, ‘di ba?
“Siguro, the only balikan na mangyayari is talagang as co-parents to the kids and to have a healthy relationship. Pero in terms of romantic or magpapakasal ako sa kanya ulit, wala na,” pagkumpirma ni Ruffa.
Naiintindihan naman daw niya na talagang sa Pilipinas ay mahalaga pa rin na buo ang pamilya kaya raw siguro maraming naghahangad na magkabalikan pa sila.
“Pero my gosh, Lorin and Venice are already 18 and 19, they’re not 2 years old, ‘di ba?
They’re already young adults. So, I think, mali rin ‘yun na magkabalikan just for the sake of the kids who are now adults.
“Kaya maling-mali ‘yun. Kailangan, kasama mo ‘yung tao na mahal mo and you know, it shouldn’t be just because of the kids,” she said.
When it comes to Ruffa’s current love life, as we all know ay matagal-tagal na rin siyang nali-link kay former Quezon City Mayor Herbert Bautista at bagama’t hindi pa sila opisyal na umaamin, everybody thinks na sila naman na talaga.
Nabanggit nga rin ni Ruffa na may lumabas na article na hindi na raw niya pinapansin si Bistek dahil natalo ito nitong nakaraang eleksiyon sa pagka-senador at aniya ay fake news ito.
“I think that’s wrong because they really don’t know what happens behind closed doors and tuluy-tuloy ang communication. But I believe kasi that a private life is a happy life.
What you see is what you get,” she said.
Samantala, happy si Ruffa dahil bukod sa maganda pa nga rin ang takbo ng kanyang career ay bongga rin ang feedback sa kanyang mga produkto sa Gutz & Glow.
Ayon sa aktres, pati ang mga friends niya ay nagustuhan ang kanyang mga products.
“They love it kasi aside from the fact na talagang mabango siya, it’s really effective. So, nakikita nila ang difference ng before and after,” aniya.
vjvjv





Comments