Yes, ganern! PIOLO, NASA KAMPANYA NINA BBM-SARA PERO IBA ANG INEENDORSO
ni Nitz Miralles - @Bida | April 11, 2022

Present si Piolo Pascual sa UniTeam rally sa Pagadian City pero hindi para suportahan sina Bongbong Marcos at Sara Duterte, kundi para i-promote ang Ang Probinsyano partylist. Kaya, walang dahilan para i-cancel siya ng mga supporters nina VP Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan.
Nagkagulo ang tao sa pag-akyat sa stage ni Piolo na suot ang blue at red t-shirt, lalo na nang kumanta siya. Puwede raw mangampanya ang Ang Probinsyano kahit kaninong rally ng presidentiable.
Ganu’n din si JC de Vera na present sa rally ng UniTeam sa Samar, pero supporter siya ni VP Leni. Wala ring dahilan para i-cancel siya ng Kakampink dahil nauna na siyang nagpahayag na si Leni ang iboboto niya.
Parang weird lang na maka-Leni ka, pero nasa rally ka nina Bongbong at Sara.





Comments