Yassi, kahit nawala na sa eksena… JULIA, OUT KAY COCO DAHIL KAY JANE
- BULGAR

- Dec 28, 2020
- 1 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | December 28, 2020

Mawawala na nga raw si Yassi Pressman sa Ang Probinsyano. Pero, papasok naman daw ang character ni Jane de Leon bilang bagong love interest ni Coco Martin.
Pumasok ang character ni Yassi bilang si Alyana Arevalo, ang misis ni Cardo Dalisay (Coco) nu’ng 2016. Since then, nagkaroon ng fandom na CocoYass.
Kaya raw mawawala na ang character ni Yassi sa AP ay dahil may bagong proyektong gagawin ang actress via her home studio, Viva Films, sa pagpasok ng 2021.
Nalaman naman na si Jane ang bagong leading lady ni Coco nang i-introduce siya ni Kim Chiu sa ABS-CBN Christmas special.
May tanong lang ang mga CocoJuls fans, paano na raw ang kanilang idol na si Julia Montes?
Matagal na raw napapabalitang si Julia ang magiging love interest ni Coco kapag nawala na sa eksena si Yassi.
How come raw at biglang lumitaw ang pangalan ni Jane?





Comments