YASSI, FEELING FIRST LADY NA NI GOV. LUIGI NG CAMSUR
- BULGAR
- Oct 2, 2023
- 1 min read
ni Beth Gelena @Bulgary Files | October 02, 2023

Pinasalamatan ni Yassi Pressman ang Villafuerte Family, lalo na si Gov. Luigi Villafuerte, dahil sa pagsuporta sa movie nila ni Ruru Madrid na Video City.
Ani ng aktres sa kanyang Instagram post, "Dios mabalos po CamSur!!
"Salamat po sa napakainit na pagtanggap ninyo po palagi sa akin, at nu'ng Sunday po sa amin ni @tjvalderrama!
"Salamat sa lahat po ng mga bumiyahe at nakarating po sa SM NAGA mula sa iba't iba pong mga bayan.
"Gusto ko lang talagang magpasalamat po sa buong Villafuerte Family, dahil po sa kabaitan nila palagi sa 'kin simula pa po nu'ng 2013 nu'ng unang dating ko po sa CamSur, at na-touch po ako nang sobra to see them all there to watch and to support."
Puna naman ng mga netizens sa ikinikilos ni Yassi, "Ba't parang feeling close na at feeling First Lady ng CamSur na datingan n'ya rito?"
"Malamang mag-jowa na ang dalawang ito. Hindi lang maka-amin si Girl dahil galing siya sa break-up. Isa pa 'to, parang nag-iipon ng mga lalaki."
"On her way to become a politician's wife na ba?"
"Nakita ko recently isang news interview sa TV kay Gov., 'di talaga ako makapaniwala na 'yan ipinalit ni Yassi (sa ex-BF niya)."
"Ang cringy na ni Alyana (karakter ni Yassi sa Ang Probinsyano)."
"O baka may magreklamo na naman na may power imbalance between the two since kung saan-saan ang kamay ni Gov. Ayan si Yassi na voluntarily humahawak kay boy."
Mukhang open naman na ang dalawa sa kanilang mga gestures in public kaya wala na siguro silang itinatago.





Comments