Xyriel, binastos online, palaban
ni Eli San Miguel - Trainee @Showbiz News | March 5, 2024

Nagbahagi ang Kapamilya actress na si Xyriel Manabat ng bagong video sa kanyang Tiktok na flooded ng comments mula sa madlang pipol.
May hirit pa ang isang netizen na hindi nagustuhan ng aktres.
"Ilan na po [ang] anak n'yo? Siguro punong puno ng gatas 'yan," komento nito sa aktres.
Dahil tila iba ang pinatutungkulan, matapang itong sinagot ni Xy.
"Wala pa po akong anak ano problema n'yo sa mga may anak na puno ng gatas? Kayo po isa lang utak mukhang 'di pa mapuno puno ng nutrisyon. Kinulang ho siguro kayo sa gatas nu'ng sanggol ho kayo ano?" sagot ni Xyriel.
Todo-support nga ang madla sa katapangan ni Xy na soplahin ang kanyang mga bashers.





Comments