top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

XIAN, SOPLA KAY ZEINAB, PAHIYA KAY IVANA, NAGSORI

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 7, 2022
1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | October 7, 2022



Naniniwala ang "Pambansang Marites" na si Xian Gaza na sinadya umano ni Ivana Alawi na i-unpublished ang kanyang Facebook page na may million followers para makaiwas sa pag-o-audit ng BIR, kaya ito biglang nawala o nabura.


Aniya sa kanyang FB post, "Hindi naman sa may galit ako kay Ivana Alawi pero duda ko, in-unpublish niya 'yung kanyang page para makaiwas sa audit ng BIR, tapos nag-e-emote at nagdadrama lang siya ngayon sa socmed para kunyari na-disable 'yung FB page niya. Feel ko lang."


Marami namang netizens ang naniwala sa post ng Pambansang Marites at um-agree sa kanya.


Komento ng netizens, "May point si Gaza. Sa YouTube pa lang niya, tiba-tiba na ang BIR, isama mo pa ang Facebook. Waging-wagi ang BIR."


"Puwede rin, sa laki ba naman ng kinikita niya kahit sa Facebook, baka sunod niyan, mabura or ma-hack kuno ang YouTube niya."


Gayunpaman, matapos tawagan ng isa ring social media influencer na si Zeinab Harake si Xian para ipaliwanag dito na totoong nabura ang account ni Ivana at maging 'yung sa kanya, biglang natauhan, bumawi at nag-sorry ang Pambansang Marites sa seksing vlogger-actress.


Ano naman kaya ang masasabi ni Ivana sa paglaban-bawi ni Xian?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page