ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | April 29, 2024
NAGKAIYAKAN sa It’s Showtime nitong Sabado sa birthday tribute para kay Kim Chiu ng programa.
Sa nasabing noontime show ay isa-isang nagbigay ng birthday message para kay Kim ang kanyang It’s Showtime family. Naroon din ang Ate Lakam ni Kim na talagang sinorpresa pa ang kapatid sa kanyang production number kasama sina Bela Padilla at Kaladkaren.
Nu’ng nagbibigay na ng birthday message ang mga co-hosts niya ay nagsimula nang maging emosyonal si Kim.
Nagsimulang mapaiyak si Kim sa message ni Vhong Navarro na naging emosyonal din habang sinasabi na never siyang iniwan ni Kim noong time na down siya.
“Kasi nu’ng down ako, nandu’n ka, eh,” naiiyak na sabi ni Vhong. “Hindi mo ‘ko pinabayaan du’n. May mga request ako sa ‘yong ibinigay mo na dapat, hindi mo na kailangang gawin pero dahil nanatili ‘yung pagiging magkaibigan natin, nandu’n ka to support me. Kaya anytime na kailangan mo ako, nandito lang ako. I love you,” ang tagos sa pusong mensahe ni Vhong.
Na-touch din si Chinita Princess sa sinabi ni Anne Curtis na bukod daw kay Ate Lakam ni Kim ay naririto rin siya para maging ate nito.
Wagas din ang pagluha ni Kim sa birthday message ni Vice Ganda para sa kanya.
“Mahal na mahal kita,” ani Vice.
“Hangga’t kaya ko, ipaparamdam ko sa ‘yo ‘yun. Gusto kong maramdaman mo na minamahal ka kasi masarap sa pakiramdam ‘yun, eh. Gusto ko, maramdaman mo ‘yung pakiramdam na ‘yun ulit. At hindi matatapos na nararamdaman mo ‘yun, na minamahal ka kasi kamahal-mahal ka at mahal kita talaga,” dagdag nito.
Siyempre, naging emosyonal pareho ang magkapatid na Kim at Lakam sa birthday message ng huli.
“As we all know, lahat naman tayo, alam natin how big ang puso ni Kimmy. ‘Eto lang masasabi ko, mahal kita. I know words are kulang to say thank you but we’ll always be here for you,” sabi ni Lakam.
Pero nakakatuwa naman ang sinabi ni Bela na very happy right now si Kim.
“Sobrang saya ni Kim Chiu right now,” ani Bela.
Kung bakit masaya si Kim ngayon, ‘yan ang malaking tanong. May tao na bang nagpapasaya sa aktres ngayon?
Comments