top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Xian, gets mo?! "MAS KABAHAN KA KAPAG NABUNTIS NANG HINDI PA IKINAKASAL" — KIM

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 3, 2023
2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | June 3, 2023



Tumangging i-reveal ni Kim Chiu ang location ng bagong bahay niya nu’ng ungkatin ang tungkol dito sa media launch niya as the new endorser of Sisters Sanitary Napkin and Pantyliner.


“Basta, malamig siya. (Sa) Malamig na lugar,” ngiti ni Kim during the Q&A portion ng nasabing mediacon.


Pero, makikita sa picture ng bagong bahay ni Kim na ipinost niya sa kanyang Instagram ang mga pine trees sa palibot ng labas ng bahay na malawak ang garden at may malaking swimming pool.


Kaya, it’s either sa Baguio City or Tagaytay City ang location ng bagong bahay ni Kim na magiging vacation house ng pamilya niya.


Produkto ng dugo at pawis daw ni Kim ang pinagmulan para maipatayo ang kanilang pangarap na vacation house.


“Sobrang saya, kasi isa talaga ‘yan sa mga pangarap ko na magkaroon ng vacation house. Para rin sa papa ko, kasi kailangan niya ng fresh air, ganyan. And then, para na rin sa mga kapatid ko,” lahad ni Kim.


Tinanong din si Kim kung may bagong investment ba siyang papasukin after niyang maipagawa ang naturang vacation house.


“Uh, ako ngayon, hindi naman ako super-yaman. Parang isa-isa lang muna. Saka, I also have a bag business ngayon, ‘yung House of Little Bunny. Naisip ko, palaguin muna ‘yung business ko,” sambit pa niya.


Thankful and happy si Kim na sinuportahan siya ng Vice-President ng Megasoft Hygienic Products, Inc., ang gumagawa ng Sisters Sanitary Napkin and Pantyliner na si Ms. Aileen Choi-Go sa kanyang bag business.


Pinakyaw yata ni Ms. Aileen ang mga bags ni Kim. Pero, itinanggi naman niya ito. Bumili raw siya ng marami na different colors and styles ng mga ibinebentang bags ni Kim.


Anyway, Kim is not getting any younger. Walang duda na financially stable na siya at going steady naman ang relasyon nila ng kanyang boyfriend na si Xian Lim.


Ang tagal na rin nila ni Xian, pero wala pa tayong nababalitaan na engagement proposal ng aktor kay Kim.


Hindi ba siya nape-pressure na 'yung mga kasabayan niya, may asawa't anak na?


“Mas kabahan ka kapag nabuntis nang hindi pa ikinakasal. Hahaha! Matakot tayo ru’n,” pabiro pero may lamang sabi ni Kim.


‘Yun na!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page