Xian Gaza, todo-bulgar ng mga baho raw ng aktor… AI AI, INILANTAD ANG PAGKATAO NI ALDEN

ni Nitz Miralles @Bida | October 26, 2026

Photo: IG _msaiaidelasalas
Nagpapasalamat tiyak si Alden Richards sa dami ng dumedepensa sa kanya sa isyung inilatag ni Xian Gaza.
Sa latest post nito sa Instagram (IG), kung saan kasama niya ang pamilya na kumakain at may caption na: “Too blessed...,” marami sa kanyang mga showbiz friends ang nag-comment at nagpahayag ng suporta.
Sabi ni Wendell Ramos, “Stay blessed @aldenrichards02 #godisfaithful.”
Sinundan ito ng comment ni DJ Chacha na, “Tamang mindset ang balewalain ang ngawngaw sa paligid. Stay blessed, Alden.”
Mas matinding mag-comment ang mga fans ni Alden at nagpahayag sila ng suporta sa aktor. Isipin na lang daw ni Alden na mas marami ang naniniwala at nagmamahal sa kanya kaysa sa mga kumakalaban sa kanya.
Samantala, sa the same day na inilabas ni Gaza ang kanyang pasabog kay Alden, bumili na naman ng bagong relos ang aktor. Isama kaya ni Gaza sa kanyang listahan ng watches collection ng aktor ang bagong bili nitong Cartier na hiram lang daw?
Ayon pa sa mga fans ni Alden, hindi updated si Gaza at ang source niya dahil matagal nang hindi sa condo nakatira ang aktor. Sa bahay nito sa isang village sa Makati City na siya nakatira.
Sampal kay Xian na nanghihiram lang siya…
ALDEN, BUMILI NG BAGONG CARTIER WATCH
KABILANG si Ai Ai delas Alas sa mga nagpahayag ng suporta kay Alden Richards. Sa Instagram (IG), ikinuwento nito ang kabaitan at pagiging generous ng aktor.
Pahayag ni Ai Ai (as is), “Matagal na kami close neto ni David (marami akong tawag diyan kung anu-anong name. Hahaha!)... napaka nito sa maraming bagay,
napakaharot, generous, mabait, sensitive sa mga pangangailangan ng mga kasama n’ya sa industriya, lalo na sa mga kaibigan n’ya. Maiinis ‘to kasi ayaw n’yang sinasabi ang mga naitulong n’ya.
“Anyways, matagal na ‘to, may restaurant ako dati sa may ABS (ABS-CBN), tapos pumunta s’ya, then kinausap n’ya ‘ko, ‘Ipa-renovate natin ‘to, Ms. Ai’. Sabi ko, bago pa naman. Sabi n’ya, ‘Basta’. ‘Yun, kinabukasan, may architect and everything na. Nakakaloka ‘yan, sobrang ma-surprise, pero ayaw n’ya yang sinasabi, secret lang namin palagi, so ngayon, ‘di na...
“Love you, David. God bless you always... dito lang ako always, lalo na ‘pag nasira ang zipper ng jacket mo. Hahaha! Tyatyagain ko ‘yan hanggang tapos na ang show, maayos ko ‘yan.”
Sagot ni Alden, “Mahal na mahal kita, Ms. Ai. Touched ako, pero mas tawang-tawa ako rito. Hahaha!”
Hindi na nga kailangang magsalita ni Alden dahil ang mga kaibigan, press, fans at non-showbiz people na ang nagsasalita at nagtatanggol para sa kanya.
Kapalit ni Mavy…
MICHAEL, PURING-PURI BILANG HOST NG PBB
PINURI ng mga fans ang husay ni Michael Sager mag-host sa Pinoy Big Brother Collab 3.0 (PBBC3.0). Parang matagal na raw siyang nagho-host.
Si Michael ang pumalit kay Mavy Legaspi na dating host din sa nakaraang PBBCCE Season 2.
Sey ng mga fans:
“Not a fan of Michael but OMG! He nailed today’s ep (episode)!!! His hosting chops are so nice!!!”
“Huge fan since he was inside the house! Not so sure about the acting but the guy can definitely host! Especially nu’ng pares-pares na may livestream sa labas ng bahay.”
“Galing ni Michael. Parang veteran na sa PBB hosting.”
“Galing ni Michael, natural na natural. The best na decision ni Big Brother na maging host si Michael Sager. No dead air,” at “Perfect combination ni Alexa and Michael as hosts.”
May nag-comment pa na forte ni Michael ang hosting at dapat daw siyang i-build up pa ng GMA bilang host at aktor. May nagsabi ring sinayang niya ang Born to Shine dahil kinailangan niyang umalis sa series para mag-concentrate sa PBB. Pero, pagkakataon niya ito na ipakita kung gaano siya kahusay na host.





Comments