XIAN AT KIM, PINE-PRESSURE NANG MAGPAKASAL, WALEY PA RIN
ni Nitz Miralles @Bida | March 12, 2023

Masaya ang mga fans nina Xian Lim at Kim Chiu na makita silang magkasama at nanood sa gala show ng The Sound of Music. Natutuwa ang KimXi fans na kahit busy si Xian sa promo ng Hearts On Ice nila ni Ashley Ortega, may time pa rin silang mag-date ni Kim.
May nag-request nga na sana, dalasan nila ang paglabas dahil they miss seeing them together.
May mga nagpe-pressure lang at tinanong sina Xian at Kim kung kailan sila pakakasal at sinagot na nila ito.
Samantala, masaya ang aktor na nakapag-share siya ng directorial knowledge kay Director Dominic Zapata at naikuwento ang tungkol sa interview sa kanya ng Chika Minute.
“Parang merong eksena na, ‘Direk, what if gusto mo rito, medyo mahuhulog si Ashley, tapos masasalo ko,’ or something like that, ‘yung mga ganu'ng suggestion. He’s very open. He told us right from the start that he appreciated feedback,” dagdag ni Xian.
Sa mediacon ng Hearts On Ice, nakita na seryosong nakinig si Xian sa mga ikinuwento ni Direk Dominic kung paano niya kinunan ang mga eksena at challenges na kanyang hinarap bilang director ng first figure-skating series sa telebisyon. Naka-relate si Xian dahil director din siya.





Comments