WTA carryover na hindi aabot sa P5-M sa SLLP
- BULGAR

- Feb 10, 2021
- 1 min read
ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | February 10, 2021
Maganda ang naganap na karera noong Linggo dahil sa carry over ng P4,805,345.88 sa Winner Take All (WTA) sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite na nakatakdang maging taya sa pagbabalik nito sa pista.
Excited ang bayang karerista sa bawat laban na mangyayari sa SLLP dahil marami ang nasosorpresa sa galing ng mga pangarerang kabayong kalahok sa karera. Maraming natutuwa na karerista sa SLLP dahil nagkakaroon ng laban ang kanilang tinatayaan na kabayong nadedehado.
Kaya ang mga karerahan ng SLLP sa Carmona, Santa Ana Leisure Park, Naic, Cavite at Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) sa Malvar, Batangas ay nagpapaligsahan sa ganda ng karerang ibinibigay sa bayang karerista.
Ngayong araw magaganap ang karera sa MMTCI at umaasa na magkakadehaduhan.
Sa Race I, pinapaboran ang Morning Girl (7),bibigyan ng panalo ang couple entry na number 1, at kukunin din ang Tulos Express, (5). Sa Race 2 nakalalamang ang couple entry number 2, Calle Loreto (5) ang tatalo, Security Pass (1), Pakiramdaman at Race 3 ipinapatok ang Jawo (2).
Sa Race 4 Wakanda (2) makakalaban ang Classy Babe (7)sa Race 5 napipisil ang No Problem (9), Jersy Savings (13) ang tatalo, Go Tango (6). Sa Race 6 Namayan (2) patok, sa Race 7 Kusing (6) Nakalalamang, Extremely Tough (4). Sa Race 8 Kipi Taki (4) Pinapaboran, Palmdale (1) at sa Race 9 balikatan ang laban ng Helushka (7) at Dragon Butterfly (1)




Comments