top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Wowowin na lang daw ang iprodyus.. WILLIE, TUMANGGI SA ALOK NG MGA JALOSJOS NA TAPATAN ANG TVJ

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 4, 2023
2 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | July 4, 2023



Tinanggihan ni Willie Revillame ang alok ng TAPE, Inc. na mag-guest sa Eat… Bulaga! dahil ayaw niyang tapatan sina dating Senator Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon.


Base sa report ni Nanay Cristy Fermin sa programang Cristy Ferminute nila ni Romel Chika sa Radyo5 92.3 TRUE FM kahapon nang tanghali.


“Noong nakaraang Friday, Hunyo 30 ay nagkita-kita po sina Willie Revillame at ang mga magkakapatid na Jalosjos, ang kanilang CEO na si Jonjon at si Mayor Bullet. Ang gusto po nila, lumabas si Willie sa kanilang programa, ‘yung hindi lehitimong Eat… Bulaga!, tatapatan ang unang sultada ng Tito, Vic and Joey and Dabarkads dito po sa TV5.


“Isa lang ang sinabi ni Willie, ‘Matindi ang respeto ko sa Tito, Vic and Joey. Hindi ko magagawa ‘yun!’ Ang ganda, ‘di ba?” kuwento ng CFM host.


Pero ang inalok ni Willie sa Jalosjos brothers ay ang programa niyang Wowowin na kasalukuyang hindi umeere ngayon.


Patuloy ni ‘Nay Cristy, “'Pero kung ang dahilan kung bakit ninyo ako kaharap ngayon ay ang Wowowin, sige pag-usapan natin', ‘yun ang sinabi niya. Pero ‘yung tatapatan ang Tito, Vic and Joey and Dabarkads du’n sa unang sultada nu’ng Sabado, hinding-hindi niya ‘yun magagawa.


“Sinabi niya (Willie), ‘Hindi ko talagang puwedeng gawin, matindi ang respeto ko sa Tito, Vic and Joey’.


“Saka alam mo, hindi lang kasi basta magkakasama sa trabaho, magkababayan sina Kuya Tito at Bossing Vic (at) si Willie.


“Puro taga-Cabanatuan sila, malalim kapag may regional na pinag-uusapan kaya talagang tinanggihan niya, ‘Hindi ako pupuwedeng lumabas sa programa n’yo.’ Ayun, ‘di ba?


Napakaganda para kay Willie.”


Plus pogi points daw ito para sa Wowowin host ayon naman kay Romel Chika.


“Opo, napakganda nu’n, plus pogi points po kay Kuya Will kasi hangga’t nandoon ‘yung title ng Eat… Bulaga!, talagang mahihirapan ang mga artistang lehitimong nagmamahal at sumusuporta sa totoong EB!, eh,” opinyon ng co-host ni ‘Nay Cristy.


Isa pang ibinuking ni ‘Nay Cristy, “Tulad ngayon, ang sama-sama ng loob ng mga taga-TAPE, Inc. kasi ‘yung mga artista ng GMA-7 na matagal na nilang iniimbita para lumabas sa kanilang programa, biglang nasa It’s Showtime nu’ng Sabado. Oh, ‘di ba, napakasakit nga naman nu’n! Sampal na mag-asawa ‘yun.


“Aminin po natin ang katotohanan, heavy weight po ang Tito, Vic and Joey at mga Dabarkads.


Inuulit po namin, ang dalawa po na kumalaban sa kanila (It’s Showtime) na nakipagsalpukan, boksing po ito, wala lang sila sa lona (boxing ring). Excuse me, sabihin na nating magkaiba sila ng timbang.”


Samantala, may nagpadala naman ng mensahe kay ‘Nay Cristy tungkol sa alok ni Willie na ang kanyang programang Wowowin na lang ang i-produce ng Jalosjos brothers.


“Kung ang Jalosjos, hindi raw tutol kaso blocktimer lang sila (TAPE, INC). Ang may-ari pa rin ng istasyon ang masusunod, kung tutuusin sila pa nga ang puwedeng syonggalin (gay lingo), eh. Depende na lang sa pinirmahang kontrata ‘yan!” kuwento ni ‘Nay Cristy.


Bukas naman ang BULGAR sa panig ng TAPE, Inc. tungkol sa isyu kay Willie.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page