top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Wowowin host, 'pag nag-senador… WILLIE, SI KRIS ANG GUSTONG IPALIT SA SHOW NIYA

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 31, 2021
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | July 31, 2021



Marami ang nagtatanong kung tatakbo nga bang senador si Kris Aquino sa darating na 2022 elections.


Tahimik pa ang kampo ni Kristeta at alam ng publiko na 'pag may big news ay agad na ipino-post ni Kris sa social media.


May ilang netizens naman ang nag-advise kay Kris na dapat ay ang kanyang kalusugan muna ang kanyang bigyan ng atensiyon. Hindi niya kakayanin ang stress at pressure ng pulitika. Kailangan na physically fit muna si Kris bago niya isipin ang pagkandidato.


Hindi kakayanin ni Kris ang hirap sa pangangampanya kung itutuloy niya ang pagpasok sa pulitika.


Samantala, may mga bali-balitang lumulutang na si Kris Aquino raw ang gusto ni Willie Revillame na humalili sa kanya bilang host ng programa niyang Wowowin sakaling tanggapin niya ang alok ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Isa si Willie sa mga naka-line-up na senatoriables ng PDP Laban. Tumanggi na sina Raffy Tulfo at Robin Padilla. Si Willie na lang ang magiging pambato ng partido.


Ang tanong, kakayanin ba ni Kris ang mag-host ng show araw-araw?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page