top of page

Wow, bigatin na talaga! MARIAN, NAG-DONATE NG P.5 M PAPREMYO PARA SA MGA KAPWA CELEBS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 8
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | September 8, 2025



Matteo Guidicelli - IG

Photo: Marian Rivera sa Stars on the Floor - IG



Pinasaya ni Marian Rivera ang sinumang mananalo sa Stars On The Floor (SOTF) sa announcement niya sa episode ng reality dance competition kung saan isa siya sa mga judges.


Ang unang announcement ng host ng SOTF na si Alden Richards, P1 million ang mapapanalunan ng winning duo, pero ang P500,000 ay ido-donate nila sa mapipili nilang charity. Ibig sabihin, P500K na lang ang mapupunta sa winning team na paghahatian ng duo, kaya tig-P250K na lang ang winner.


Dito na nagsalita si Marian, buo na raw matatanggap ng winning duo ang P1M. 

“Buong P1 million sa mananalo, ‘yung charity, iba na. Klaruhin natin. Ang ibig sabihin, magdo-donate ako ng P500K para buo nilang makukuha ang P1M,” sabi ni Marian.


Sa labis na tuwa, napasigaw at napapalakpak ang mga contestants at siguradong mas huhusayan pa ng mga ito ang kanilang pagsasayaw sa mga darating na episodes, lalo na sa finale.


May mga nagtatanong na nga kung may Season 2 ang SOTF at kung isa pa rin si Marian sa mga magiging judges. 


Gusto nilang sumali dahil sigurado ang mananalo na buo nilang matatanggap ang winning prize.



STREAMING sa Netflix sa September 11 ang Kontrabida Academy (KA) nina Eugene Domingo at Barbie Forteza with Jameson Blake. May fans si Barbie na umalma sa plano ng ilang BarDa fans na magkaroon ng special viewing ng movie nina Barbie at David Licauco na That Kind of Love (TKOL).


Ang feeling ng mga fans ni Barbie, sinasabotahe raw ng ilang BarDa fans si Barbie at ang KA. Ang dami raw ng araw, bakit isinabay pa nila sa streaming ng KA ang kanilang special viewing? Dahil daw ba mas maka-David sila o ayaw nila kay Jameson? 


Ang hindi raw alam ng BarDa fans, si Barbie ang maaapektuhan.

Sagot naman ng BarDa fans, nagsa-suggest lang sila at binibigyan nila ng free will ang bawat isa na mamili kung ang KA ni Barbie o ang TKOL movie nila ni David ang panonoorin.


Isyu ito sa mga fans ni Barbie at ilang fans ng BarDa, at kasunod na tanong, kung may BarDa love team pa raw ba? 


Dahil ito sa absence ni Barbie sa party ni David para sa kanyang 10th year in showbiz. Wala si Barbie sa party at sa video na napanood ng mga fans, tila hindi nabanggit ng aktor si Barbie sa mga pinasalamatan nito na nakasama niya sa 10 years niya sa showbiz kahit kalahating taon lang siya sa journey ng aktres.


Depensa ng mga fans ni David, baka naimbitahan si Barbie at hindi lang dumating. Sa hindi pagbanggit sa kanya nito, baka nakalimutan lang o kaya’y spliced ang video at nawala ang parte na binanggit siya ng aktor.


Sa lahat ng isyung ito, sina David at Barbie lang ang makakasagot. Ang alam ng mga fans, wala man ang aktres sa party ni David, nag-fun run naman siya last Sunday at nag-enjoy. She’s back on running daw.



ANG laki na ng tiyan ni Lovi Poe, wala nga lang makahula kung ilang months na ang kanyang ipinagbubuntis. Baka gulatin na lang tayo at nanganak na pala siya at isinilang na ang baby girl nila ng asawang si Monty Blencowe.


Nasa Los Angeles, California si Lovi, kaya hindi siya mabigyan ng baby shower ng friends niya rito at baka doon na rin siya manganak.


Sa latest reels video na ipinost ni Lovi, sabi nito, she’s all dressed up para sa private screening ng Bad Man (BM), ang movie na ginawa niya sa Amerika.


Aniya, “Finally got to watch Bad Man for the first time since we filmed it—and wow, I couldn’t stop laughing! Such a trip seeing it all come together on screen. It also felt good to reunite with everyone and to share this private screening with the cast, crew, and friends who came to support. Grateful, always. Hope you guys enjoy it as much as we did making it. You can catch it now on Apple TV!”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page