Work From Home at Lucky Julliane, magbabakbakan
ni Green Lantern - @Renda at Latigo | June 16, 2022
Magpapang-abot sa pista sina Work From Home at Lucky Julliane, nakatakda silang magtapat sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na ilalarga sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite ngayong araw.
Gagabayan ni John Paul Guce si Work From Home habang si class A rider Kelvin Abobo ang rerenda kay Lucky Julliane sa karera na may distansyang 1400m race.
Komento ng ibang karerista na puwedeng magbigay ng magandang laban kina Work From Home at Lucky Julliane ang mga kalahok na sina Elite Dominator at High Honours.
"Mahirap mamili, pare-pareho ang kanilang husay kaya pagalingan na rin sa pagdadala ng hinete," saad ni Gilbert Franco, veteran karerista.
Nakalaan ang added prize na P25,000 na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta, ang ibang kasali ay sina Rhaegal, Lord Luis at Case Bell.
Hahamigin ng mananalong kabayo ang karagdagang premyo na P5,000 sa event n suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
Tiyak na aabangan din ng mga karerista ang bakbakan ng limang bagitong kabayo sa 3-Year-Old & Above Maiden Race na pakakawalan sa pangalawang karera.
Posibleng magdomina sa takilya ang mga kalahok na Bada Bing na sasakyan ni MM Gonzales at Platinum Bell na gagabayan ni dating Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey of the Year awardee Jonathan Hernandez. Ang ibang kasali sa distansiyang 1,400 meter race ay sina Chloespirit, Best Offer at Laughing Inside.
Samantala, pitong karera ang inihain ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI) ngayong araw kaya tiyak na masaya na naman ang mga karerista sa kanilang paglilibang.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1 - Work From Home (2), Lucky Julliane (6)
Race 2 - Platinum Bell, (4), Bada Bing (5)
Race 3 - Joyous Solution (5), Doctor Amorette (6), Cash Is King (4)
Race 4 - National Treasure (3), Double Rock (1)
Race 5 - Refuse To Lose (6), Speeding Hero/Heroesdelninetysix (5/5A)
Race 6 - Obra Maestra (3), Beli Bell (5)
Race 7 - You Never Know (5), Pretty Meadow (1), Phenom (4)





Comments