top of page

Wong ginto sa Wushu, Diaz, nagkasya sa 4th 

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 19h
  • 2 min read

ni Gerard Arce @Sports | December 15, 2025



Agatha Wong

Photo: Ibang klaseng performance ang ipinamalas ni Agatha Wong nang muling tumingkad ang kanyang galing para masungkit ang ika-6 na niyang  SEA Games gold sa 2025 Thailand edition kahapon. Dagdag medalya ito para sa Pilipinas sa Women’s Taijijian-Taijiquan categories, na umiskor sa kabuuang 19.556 points. (gmapix)


Nagpatuloy sa pagiging reyna sa  paboritong event si Agatha Wong upang madepensahan ang korona kahapon sa women’s taijiquan-taijijian wushu event sa  Bangkok  habang nabigong makabuhat ng medalya si 2020+1 Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz-Naranjo sa women’s 58kgs weightlifting sa Chonburi sa 33rd Southeast Asian Games sa Thailand.


Nairehistro ni Wong ang ika-anim na gintong medalya sa iskor na 9.773 sa Taijiquan at 9.783 sa Taijijian para sa kabuuang 19.556 tungo sa unang ginto sa wushu national squad. Nahigitan ni Wong si Basma Lachkar ng Brunei Darussalam sa  19.546 mula sa 9.766 sa Taijiquan at 9.780 sa Taijijian, habang nakuha ni Sydney Sy Xuan Chin ng Malaysia ang bronze medal sa 19.523.


Pinaghugutan ng 27-anyos na taijiquan bronze medalists sa World Championships sa Brazil, ang 7th place finish sa 2025 World Games, upang sandalan ang mahusay na performance sa barehand form na ipinareha ang naiibang galaw sa sword routine.

Sa hindi inaasahan nabigo sa medalya ang 34-anyos na si Diaz-Naranjo na 2-time SEAG champion dahil sa  pagpalya sa pinal na buhat na 116kgs sa clean and jerk para sa kabuuang 200kgs na buhat mula sa 90 sa snatch at 110 sa clean and jerk.


Nakamit ni Yodsarin Suratwadee ng Thailand ang gintong medalya sa 224 galing sa 96 sa snatch at 133 sa clean and jerk, habang silver si Natasya Beteyob ng Indonesia sa 218 total (98 sa snatch, 120 clean and jerk) at bronze medal si Quang Thi Tam ng Vietnam sa 215 total.


Nag-ambag naman ng anim na medalya ang team watersports mula kina Lorenzo Pontino sa Ski 1500 at Anton Ignacio sa Runabour 1100 Stock para sa dalawang silver medals, habang may tanso sina Bam Manglicmot sa Endurance Open, Kristine Kate Mercado sa Runabout 1100 Stock, muli kay Pontino sa Ski GP at Angelo Inigo Ventus sa Runabout Limited. Bronze si Mark Jesus San Jose sa men's bowling singles event.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page