Gilas 'di pinaporma ng Tall Blacks sa FIBA q'fiers
- BULGAR

- 2 days ago
- 2 min read
ni Anthony E. Servinio @Sports | February 27, 2026

Photo: Si Dwight Ramos sa maaksiyong laban ng Gilas kontra Tall Blacks sa Fiba qualifiers sa MOA arena Huwebes ng gabi. (Reymundo Nillama)
Laro ngayong Linggo - MOA
4:00 PM Chinese-Taipei vs. Tsina
7:30 PM Pilipinas vs. Australia
Yumuko ang magiting na Gilas Pilipinas sa bisitang Aotearoa New Zealand, 66-69, sa FIBA World Cup Qatar 2027 Asian Qualifiers Huwebes ng gabi sa siksikang MOA Arena. Ito ang unang talo ng mga Pinoy at unang panalo ng Tall Blacks sa kompetisyon.
Uminit si Dwight Ramos sa huling minuto at gumawa ng limang puntos upang makalapit ang Gilas, 66-68, at walong segundo sa orasan. Nagbukas ang pinto nang magmintis ng kanyang pangalawang free throw si Reuben Te Rangi at ibinato ni Ramos ang bola ngunit tumalbog ito sa ring sabay ng huling busina.
Dala ng mga sigaw ng mga kababayan, mag-isang gumawa ng lahat ng puntos si CJay Perez para itulak ang mga Pinoy, 10-5. Biglang natawagan ng pangalawang foul si Perez at napilitang umupo na may limang minuto pa at ginamit ng Tall Blacks ang pagkakataon para kunin ang quarter, 25-21.
Nagbanta ang mga bisita na lumayo, 37-27. Sa pangunguna ni Ramos at rumatrat ng 10 sa loob ng tatlong minuto upang pumantay pagsapit ng halftime, 37-37.
Nagtapos si Ramos na may 16. Nag-ambag ng 15 si Perez habang 10 kay Juan Gomez de Liano.
Balanse ang opensa ng Tall Blacks at namuno si Max Darling na may 11. Tig-10 sina Alex McNaught at Sam Mennenga na humakot din ng 14 rebound.
Sa isa pang laro sa Grupo A, naitala ng bisitang Australia ang pangatlong sunod na panalo laban sa Guam, 93-80. Bumira ng walong three-points si Tanner Krebs patungong 28 habang lima ang tres ni Elijah Pepper para magtapos na may 23.




Comments