Asian Sepaktakraw C'ships idaraos, handa ang 'Pinas
- BULGAR

- 3 days ago
- 1 min read
by MC @Sports News | February 26, 2026

Photo FIle
Pormal na inanunsiyo ng Asian Sepaktakraw Federation (ASTAF) katuwang ang Philippine Sepaktakraw Association, Inc. (PSTAI ang pagdaraos ng ASTAF U-19 Asian Sepaktakraw Championship 2026 sa bansa. Naging tampok sa joint press conference sa Rizal Memorial Sports Complex media center kahapon sina PSC chairperson John Patrick Gregorio, Muhammad Fariq Abdul Halim, ASTAF Technical Delegate at Karen Claire Tanchanco-Caballero, ang Presidente ng PSTAI.
Ibinahagi nila ang mga detalye hinggil sa paghahanda ng torneo, mga lalahok na bansa, iskedyul at iba pang pangangailangan. Ang weeklong competition ay kabibilangan ng men’s at women’s events sa regu, quad at mixed quadrant categories na inaasahang lalahukan ng 10 hanggang 12 bansa sa Asya.
Ang larong may malalim na kinagisnang kultura ng Filipino sa wakas ay umaangat na ang estado.
Ang siyudad ng Manila ang pagdarausan ng 19-Under Asian Championships ng Asian Sepak Takraw Federation na nakatakda sa Nobyembre 18–25.
Mahigit sa 1,000 atleta mula sa 50 mga bansa ang magsasagupa hawak ang pride at karangalan sa pagsabak sa walong dibisyon na magsisilbing kompetisyon na magiging sentro ang global Sepak Takraw stage.
Nagpaabot sina Chairman Gregorio at Commissioner Wawit Torres na buong suporta mula sa gobyerno kabilang na ang pagpondo ng pagsasaayos ng iconic Rizal Memorial Coliseum upang maging ultra-modern multi-sport venue.
Sinegundahan nina PSTAI President Karen Tanchanco-Caballero at ASTAF Technical Delegate Muhammad Tariq Abdul Halim ang naturang commitment, tinugunan kung paano idaraos ang prestihiyosong event hindi lamang para umangat ang sport kundi kung paano palalakasin ang Philippine tourism.
Sa pag-unlad ng sports tourism, mas malin




Comments