top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Women's Booters, babawian ang Myanmar sa AFF U-19

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 8, 2023
  • 2 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | July 8, 2023




Laro ngayong Sabado – Jakabaring Athletic Field, Palembang

8:30 PM Myanmar vs. Pilipinas


Pinaluhod ng Thailand ang Philippine Women’s Football National Team, 6-0, noong Huwebes ng gabi sa simula ng aksiyon sa Grupo C ng 2023 ASEAN Football Federation (AFF) Under-19 Women’s Championship sa Jakabaring Athletic Field ng Palembang, Indonesia. Ipaglalaban ng Filipinas ang pag-asang makapasok sa semifinals sa laban sa Myanmar ngayong Sabado sa parehong palaruan simula ng 8:30 ng gabi.


Tanging ang mga magtatapos ng numero uno sa tatlong grupo at ang may pinakamataas na kartada sa mga magiging pangalawa ang tutuloy sa knockout semifinals sa Hulyo 13. Dahil dito, napakahalaga na magwagi ng malaki ang mga Pinay kontra sa mga Burmese at mabura ang anim na ipinamigay na goal sa mga Thai.


Kalahati ng Filipinas ay naglaro noong nakaraang taon kung saan ito ay Under-18 sa Palembang din. Nagbabalik sina forward Angely Alferez, Kyza Colina at Jodie Banzon, midfielder Maegan Alforque, Celina Salazar at MJ Villacin, defender Elisha Lubiano, Rae Mikella Tolentino, Florence Ycong at Stella Divino at goalkeeper Alexis Tan. Ang iba pang kasapi ng koponan na gagabayan ni Coach Joyce Landagan ay mga midfielder na sina Jelena Pido, Chenny Danoso, Jada Bicierro, Mikah Longcob at Marika Chua, defender Sofia Bolo, Jelena Soon at Nikk Duran at goalkeeper Jessa Mae Lehayan at Samantha Hughes.


Sina Banzon, Bicierro, Tolentino, Tan at Lehayan ay naglaro sa 2024 AFC Under-20 Asian Cup Qualifiers noong Marso. Dahil hindi sakop ng FIFA Window, maraming manlalaro lalo na 'yung mga nasa ibayong-dagat ang hindi nakasama at nakatali sila sa kanilang koponan o paaralan.


Samantala, sasalang na sa unang laro sa 2023 Philippine Football Federation (PFF) Women’s League ang UAAP Season 85 champion Far Eastern University kontra Kaya FC Iloilo ngayong araw sa PFF National Training Center sa Carmona, Cavite simula ng 4 p.m. Susundan ito ng tapatan ng Azzurri SC at Manila Digger sa 6:30 ng gabi.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page