top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

WNBL, lalarga sa 3X3

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 27, 2021
1 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | November 27, 2021




Magkakaroon ng bagong pagkakataon ang mga kababaihang basketbolista sa pagsimula ng Women’s National Basketball League (WNBL) 3X3 ngayong Disyembre 4 at 5 sa Bren Z. Guiao Convention Center sa San Fernando, Pampanga. Sampung koponan ang sasabak sa makasaysayang pinakaunang ligang propesyunal ng 3X3 sa bansa na may basbas ng Games and Amusements Board (GAB).


Hahatiin ang 10 koponan sa dalawang pangkat na tig-lima at maglalaro ng single round elimination o apat na laro bawat koponan. Ang dalawang may pinakamataas na kartada sa bawat pangkat ay tutuloy sa knockout crossover semifinals at winner take all finals.


Matapos ang bunutan ay nasa Grupo A ang Uratex Tibay, Dreamers, Fourbees Hoopers, JJD Basketball at Quezon. Binubuo ang Grupo B ng Uratex Dream, Amazing, Rizal Huskies, Swish at ang humabol na Jiaguel.


Napipisil na maagang paborito ang Uratex Dream at Uratex Tibay na parehong kinabibilangan ng mga beterana ng pambansang koponan at UAAP. Maglalaro sa Dream sina Eunique Chan, Joan Grajales, Sam Harada at Kat Quimpo habang nasa Tibay sina Angelica Anies, Karl Anne Pingol, Alyssa Villamor at 6'0" Tina Deacon na pinakamatangkad sa buong torneo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page