top of page
SHEET - PAULO, MAY PATUTSADA SA NINAKAW NA PERA_IG _pauavelino.jpeg

WITNESS SA MASAMANG PLANO RAW NI LAKAM KAY KIM, MAY HAWAK NA EBIDENSIYA

Writer: BULGAR
BULGAR
8 hours ago
3 min read

by Janiz Navida @Showbiz Special | September 26, 2026



SPECIAL - MASAMANG PLANO NI LAKAM KAY KIM, MAY EBIDENSIYA RAW, BINANTAANG PASASABUGIN_IG _chinitaprincess

Photo: IG _chinitaprincess



Sa gitna ng kinakaharap na kaso ngayon ng panganay na kapatid ni Kim Chiu na si Lakambini Chiu, na idinemanda ng 124 counts ng qualified theft ng Kapamilya actress dahil sa diumano’y nawawalang P44 M sa kanilang kumpanyang House of Little Bunny PH, isang babae na nagpakilalang investor at biktima raw ni Lakam ang nag-iingay ngayon sa social media.


Napanood namin sa Threads ang video ng pagtalak ng babae na nag-aakusa kay Lakam na maraming pinagtataguan.


Panimulang litanya nito, “Ang dami nang naaagrabyado, ang dami nang nadidistorbo ng Lakam Chiu na ‘yan. Nandito kasi kami sa business niya and she’s hiding. ‘Yung mga tao niya, nandito pa rin, gutom na, at saka hindi nasusuwelduhan. The suppliers are not paid. The owner of the building is not paid. And ‘yun, malaki nga ang nakuha sa amin.”


Patuloy nito na mas matindi na ang banat kay Lakam, “Ah, yeah, mas demonyo siya, it’s because… Meron ngang nag-comment, eh, ‘yung regarding du’n sa incident na nangyari kay Kim Chiu, ‘yung sa sasakyan niya, na sabi nila, maybe that’s possible na you know, na siya pa rin. You know that?”


May pasubali naman ang babae, “We cannot comment on that.” 

Pero mas matapang ang sunod na pinakawalan nito na may paghahamon pa, “But then, I have evidences of her text messages ng mga plano niya kay Kim Chiu, sa kapatid niya.


Grabeee, ganu’n ka magplano sa kapatid mo? Baka ilabas ko. Lumabas ka, before ko ilabas ‘yung mga messages mo sa mga tao kung ano ‘yung masamang plano mo kay Kim Chiu.”

At bago nagtapos ang video, tinawag din nitong “Demonyo ka” ang Ate Lakam ni Kim.


Samantala, sa vlog ng talent manager-TV host na si Ogie Diaz sa YouTube, nabanggit nitong may nasabi raw si Lakam sa isang kaibigan na “Sana hindi na lang ako binuhay ni Kim,” dahil nga raw sa nararanasan nito ngayon, na feeling niya ay “ginigipit o nagigipit” siya.


Hindi pa natin alam ang totoong kuwento sa pagitan ng magkapatid lalo’t problemang pampamilya ‘yan na nakakalungkot lang na umabot na sa korte.


Totoo, napakasakit sa parte ni Kim na mismong kapatid niya – na itinuturing na rin niyang pangalawang ina – ang ipapakulong niya, pero mahirap husgahan si Kim sa kanyang desisyon dahil for sure, malalim ang pinaghuhugutan niya para umabot sa ganitong aksiyon.


At the same time, hindi rin natin puwedeng husgahan si Lakam Chiu lalo’t nasa korte na ang usapin.


Nakakalungkot lang talaga na nasisira ang isang pamilya dahil sa pera. Pero tama lang na ‘wag nang magsalita ang parehong panig para hindi na pagpiyestahan ang isyu nila.


‘Yun nga lang, kung patuloy na mananahimik si Lakam Chiu at hindi sasagutin ang tulad ng babaeng nag-aakusa sa kanya sa social media, unfair din sa part niya. Kaya sana, kahit paano ay ma-address ni Lakam ang issue at maipagtanggol din ang kanyang sarili.





Shy ang isa, great naman ang isa pa…

2 BYUTING AKTRES, PAREHONG HOT AT MAHILIG SA SEX KAYA SOBRANG CLOSE AT MAG-BFF





BLIND ITEM:


SOBRANG close pala ngayon, at in fact, binibigyan pa nga ng malisya ng ilang kaibigan nila ang kakaibang closeness ng dalawang sikat na aktres.


Si Aktres A ay nagsimulang child actress. Magaling itong umarte kahit may image na mahiyain at mahinhin. Pero ang chika ng source, iba pala ang screen image ng shy type na aktres sa totoong ugali niya behind the camera.


Kung sa harap ng camera ay para itong ‘di makabasag-pinggan, pagdating daw sa bed ay super hot ang aktres. Grabe raw ang energy nito. Parang ‘yung lahat ng energy na tinitipid niya sa pagsasalita at pagkilos, du’n niya inilalabas lahat sa lovemaking nila ng dyowa niya. 


Ang ending, hindi kinakaya ng mga nagiging boyfriend niya ang sobrang hilig ng aktres kaya laging nauuwi sa hiwalayan ang mga nagiging relasyon niya.


Si Aktres B naman ay kakaiba ang ganda. Kahit nagkaedad na ito ay naalagaan ang katawan, mukha at kutis, kaya sabi nga, may asim pa!


Marami na ring nakarelasyon sa showbiz ang magandang aktres at napaka-colorful ng love life nito.


At tulad ni Aktres A, napakahilig din pala sa s*x ng magandang aktres kaya papalit-palit ang nagiging dyowa nito. May time pa nga na nagtu-two-time ang aktres at pati sa kapwa babae ay game na game siyang pumatol!


Ito ang nakikitang dahilan ng mga kaibigan ng dalawa kung bakit sobrang close ngayon ang dating child actress at ang byuting aktres – pareho ang ugali nila, hot at mahilig sa s*x.


Well, shy man ang una at great performer in bed ang pangalawa, basta mag-BFF sila!

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page