JOHN ARCILLA, NAPAISIP SA MATUMAL NA SINEHAN

by BRO @Showbiz | September 26, 2026

Photo: @John Arcilla | FB
Napaisip si John Arcilla sa kalagayan ng mga pelikulang ipinapalabas sa sinehan matapos niyang mapansing wala pang 10 tao ang nanood sa screening ng pelikulang “Heart of the Beast” ni Brad Pitt.
Sa kanyang post, sinabi ni Arcilla na una niyang balak i-promote ang pelikula ni Pitt dahil nagustuhan niya ito, ngunit nakita niya ang poster ng sarili niyang pelikulang “BEAST” sa katabing sinehan.
Dito niya naitanong kung streaming apps, presyo ng ticket, promotion o genre ang dahilan kung bakit mas kaunti ang nanonood sa sinehan.
Aniya, maaaring mas pinipiling panoorin sa personal screens ang mga human at family drama, habang mas naa-appreciate sa malaking screen ang mga pelikulang may malalaking visual effects.
Sa huli, hinikayat ni Arcilla ang mga manonood na suportahan ang “BEAST,” na bahagi ng Puregold CinePanalo at kasalukuyang ipinapalabas sa ilang sinehan.





Comments