top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

With matching iyak pa… SUPER TEKLA, TODO-DENY NA NIRE-RAPE ANG MISIS AT INAABUSO ANG MGA BATA

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 25, 2020
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | October 23, 2020




Nabasa namin sa Instagram page ng GMA News ang pagtanggi ni Super Tekla sa mga akusasyon ng live-in partner niyang si Michelle Lhor Bana-ag. May video ring in-upload ang GMA News and Public Affairs kung saan umiiyak na itinanggi ni Tekla ang mga paratang sa kanya.


“Hindi totoo 'yan. Ako, nasa tamang katinuan pa naman ako, hindi ko magagawa ‘yan, Michelle, utang na loob... May anak akong babae, Michelle, si Aira, may mga kapatid akong babae... Mahirap lang kami, Michelle, sa bukid, alam mo ang background ng family ko,” part ng pahayag ni Tekla.


May binanggit pa si Tekla na, “Binabato mo ako ng isyu na pinipilit kita sa ganyang bagay, usapin natin Michelle ‘yan, usapin ng pamilya ‘yan. Isang napakasensitibong usapin ‘yan, Michelle. Sana man lang, nag-isip ka. Pinag-isipan mo kung ano ang maaapektuhan.”


Baka inilabas sa 24-Oras at Saksi kagabi ang buong interview kay Tekla, kaya nalaman na ng mga viewers ang damdamin niya sa isyu.


Sana rin, natanong si Tekla kung ano ang gagawin niyang hakbang laban kay Michelle at sa mga ipinahayag nito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page