top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

WISH NI KC, NATUPAD NA SA REUNION CONCERT NINA SHARON AT GABBY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 29, 2023
  • 3 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | October 29, 2023



Needless to say, isang malaking tagumpay ang Dear Heart reunion concert nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion last Friday, October 27 sa SM Mall of Asia Arena.


Punumpuno ang venue at pinatunayan talaga nina Sharon at Gabby na marami pa rin ang nagmamahal at naka-miss sa kanilang iconic tandem, partikular na ang kanilang mga solid fans.


Gabi ng nostalgia ang sold-out concert especially para sa mga batang 80’s na nasaksihan ang love team at pag-iibigan nina Sharon at Gabby.


Binusog naman talaga ng dalawa ang kanilang mga fans dahil napakarami nilang kilig moments at ibinalik talaga nila ang audience sa dekada ‘80.


Maraming mga throwback moments (including video footages) habang kinakanta nila ang mga theme song ng kanilang mga naging pelikula tulad ng Dear Heart, My Only Love, PS. I Love You, Dapat Ba Kitang Mahalin, Sa Hirap at Ginhawa, among others.


During the concert, hindi maikakailang napakalakas pa rin ng chemistry nina Sharon at Gabby even after 42 years. Bagay na bagay pa rin sila at nakakakilig pa rin talaga.


Nagsisigawan nga ang mga fans sa tuwing may mga sweet moments sila like simpleng holding hands lang or akbay.


Ipinakita rin ang footages ng iconic wedding nila noon, gayundin ang mga eksena sa mga pelikula nila kaya talaga namang you can't help but feel nostalgic.


Sa isang VTR ay ikinuwento rin nina Sharon at Gabby ang proposal ng aktor na bihira lang ang nakakaalam, gayundin ang secret marriage nila before the church wedding.


But more than just the nostalgic and sweet moments of the ex-couple, ang nasabing concert ay reunion din nila with their one and only daughter, KC Concepcion.


Nang umakyat na si KC sa stage at magsama-sama silang tatlo, that for us, was a priceless moment na maaaring hindi na nga maulit.


We all know na matagal na itong dream ni KC, ang maging kumpleto silang pamilya at kahit sa concert man lang ay natupad ang kanyang pangarap kaya naman masayang-masaya rin kami para sa dalaga.


“I’m listening sa audience and I just thank God, I thank the Lord na nagkaroon tayo ng time dito,” sey ni KC sa stage.


“I love you so much,” sey pa niya sa kanyang mga magulang.


Sabi naman ni Gabby, “I love you, too. Let’s just put everything together and let’s be happy.”


Kumanta sina Sharon at KC ng Ikaw at hindi na napigilan ni Sharon ang mapaiyak at pati nga kami ay napaiyak din sa napaka-touching moment na iyon. Iyak nang iyak si Sharon at buong audience yata ay nakiiyak sa kanila.


Pagkatapos nga ng number nila ay sinabi ni Gabby na masayang-masaya siya na okay na ang mag-ina. Hindi naman lingid sa lahat na nagkaroon ng tampuhan kamakailan lang sina Sharon at KC.


Winner din ang tsikahan portion nina Sharon at Gabby with Ogie Alcasid and Regine Velasquez kung saan ay tinanong ng mag-asawa ang ex-couple ng mga nakakakilig na tanong.


Nakakatuwa si Regine na kilig na kilig din kina Sharon at Gabby. Tawa naman kami nang tawa kay Ogie na binabato pa ang silya kapag may mga kilig moments ang dating mag-asawa.


Isa rin sa pinaka-kilig moments ng concert ay ang tatlong encore songs nina Sharon at Gabby – ang Tonight I Celebrate My Love, Maybe at ang signature song nilang Come What May.


Dahil sa success ng concert ay marami na nga raw ang humihiling na magkaroon din ng reunion movie sina Sharon at Gabby.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page