top of page
TALKIES - CHARIZ, UMAMING MAY THIRD EY-IG _chariz_solomon.jpg

Wish ng fans, makabati na sina Kim at Angelica… BELA, NAG-EMOTE SA POST NA MAY NANAKIT SA KANYA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 19 hours ago
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | August 22, 2026



BIDA - BELA, NAG-EMOTE SA POST NA MAY NANAKIT SA KANYA-IG _bela

Photo: IG @bela



Binalikan ng mga fans ang isang Instagram (IG) post ni Bela Padilla na may binanggit na naging problema sa personal life niya. Kahit walang binanggit na pangyayari at pangalan, para raw may pinasaringan ito.


Bahagi ng post ni Bela, “The truth is, a lot was happening in my personal life too. While I filled my few free days with happy moments, I was learning the hard way who I could actually trust. People I’ve uplifted over the years turned a blind eye when they could have easily spoken up and helped carry my burden, for once. That wasn’t an easy pill to swallow.

And things that hurt me as a child started showing up dressed as care and love.

“So maybe now you have a clearer picture of why I’ve been quiet.


“Recently, I’ve started finding my voice. I’ve started pushing back. The problem with being compliant your whole life is that people get startled when you finally say ‘enough.’ Just the sound of your voice can offend the people who hurt you, once you start naming what they did. That’s okay—don’t be scared.”


Tanong ng mga nakabasa sa post na ito ng aktres, sino ang tinukoy nito? Who hurt Bela? 


Anyway, umaasa ang mga fans na kung may pinagdaraanan man ang friendship nina Bela, Kim Chiu at Angelica Panganiban (AngBeKi), sana raw ay maayos.





Habang binabaha ang ‘Pinas…

PIA AT MISTER. TODO-POST NG BAKASYON ABROAD



IPINAGTANGGOL ng kanyang mga supporters si Pia Wurtzbach at ang asawang si Jeremy Jauncey sa nag-call out dahil nag-post ng photos ng bakasyon nila sa Madagascar. 


May nag-comment agad na para bang kasalanan ng mag-asawa na binagyo at binaha ang Metro Manila.


Sey ng isang netizen, “Hi, Pia, I’ve been a fan of yours since you became Ms. Universe. Love that for you. Enjoy your vacation.


“But Manila is literally flooding right now, konting pakiramdam naman. Your vacation dump can wait a day.


“Kayo pa naman sana ‘yung may platform and many people look up to you. Hope your advocacy is not just a performance.”


Reaction ng mga netizens, ano raw ang koneksiyon ng vacation post ng husband ni Pia sa baha sa Metro Manila? May nagtanong pa kung politician ba ang former Miss Universe para kunsensiyahin sa pagbaha sa ‘Pinas? 


Dapat daw sa gobyerno at mga politicians ang panawagan ng netizen.





NASA news ngayon ang aktor na si Boom Labrusca dahil sa pagpapahayag ng saloobin sa nangyayari ngayon sa bansa. 


Nagsalita siya tungkol sa muling paninisi kay Sen. Kiko Pangilinan dahil sa mga krimen na minor ang involved.


Napansin siguro ni Boom na tuwing may krimen na menor-de-edad ang sangkot, laging si Kiko ang binabalikan. Dahil ito sa batas na isa ang senador sa mga nagsulong at tungkol sa Republic Act No. 9344 o ang Juvenile Justice and Welfare Act of 2006, kung saan binabaan ang edad ng kabataan na nauugnay sa krimen.


Tanong ni Boom, “Ano’ng kinalaman ni Kiko ‘pag may krimen ang isang kabataan? Ano ‘yan, ‘di ba dapat, ang mga magulang muna?”


Sinundan ng post na, “Nu’ng napapaaway pa tayo dati sa school, ‘yung teacher o principal, ang ipinapatawag ay ‘yung mga magulang natin (may guidance office pa)... si Kiko na pala ngayon.”


Naging daan ang post ni Boom ng diskusyon na maraming matututunan ang nakabasa. Naging controversial din ang post ni Boom sa matinding baha dahil sa basura at sinisi ang mga informal settlers. 


Nagalit ang mga informal settlers sa aktor at tinawag na laos at walang career, na tinawanan lang nito.





Aray ko!!!

MARVIN, WALA RAW MATANDAANG INAMIN NI JOLINA NA NA-IN LOVE SA KANYA



SA September 13, 10 PM ang time slot ng Gandang Gabi Vice (GGV) show ni Vice Ganda sa GMA-7, susunod sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) ni Jessica Soho na 8 PM ang airing.


Ang The Boobay and Tekla On The Go (TBATOTG) show nina Boobay at Tekla na nasa 10 PM slot ang papalitan ng GGV, pero hindi raw ito aalisin, ililipat lang sa 10 PM slot ng Saturday programming ng GMA-7 at mapapanood after Magpakailanman. So everybody happy, walang maaalis na show.


Nag-taping na si Vice sa GGV at kabilang sa kanyang mga guests sina Sen. Raffy Tulfo, Jolina Magdangal at Marvin Agustin. Sina Marian Rivera at Michael V. ang gusto ni Vice na mag-guest sa GGV.


‘Kaaliw ang guesting nina Marvin at Jolina to promote Mommy Guard (MG) of TV5. Inamin ng aktres na na-in love siya kay Marvin at ipinagtapat daw niya ito. Sabi naman ng aktor, wala siyang matandaan na may inamin si Jolina.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page