top of page
Gerald Anderson, Kim Chiu, Julia Barretto at Bea Alonzo - IG.jpg

R&B SINGER FREDDIE JACKSON, PUMANAW SA EDAD NA 70

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
1 min read

by BRT @News | October 7, 2026



R&B SINGER FREDDIE JACKSON, PUMANAW SA EDAD NA 70

Photo: Freddie Jackson / FB



Pumanaw na ang Grammy-nominated R&B singer na si Freddie Jackson, kilala sa mga hit na “Rock Me Tonight (For Old Times Sake)” at “You Are My Lady.” Siya ay 70 taong gulang.


Kinumpirma ng pamilya ni Jackson sa kanyang official Instagram account na namatay siya nitong Lunes, tatlong araw matapos ang kanyang ika-70 kaarawan. Hindi naman ibinahagi ang sanhi ng kanyang pagkamatay.


Nagsimula ang career ni Jackson sa New York club scene bago siya nakilala sa buong mundo. Inilabas niya ang kanyang debut album na “Rock Me Tonight” noong 1985, na naging platinum at nagbigay sa kanya ng dalawang Grammy nominations.


Kabilang dito ang Best New Artist at Best Male R&B Vocal Performance para sa “You Are My Lady.”


Naging isa si Jackson sa mga kilalang R&B artist noong dekada ’80 at unang bahagi ng ’90. Platinum din ang kanyang 1987 album na “Just Like the First Time.”


Noong 2024, ibinahagi ni Jackson na siya ay na-diagnose na may kidney disease. Nakipagtulungan din siya sa National Kidney Foundation para makatulong sa pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa sakit.


Ayon sa kanyang pamilya, iaanunsyo sa mga susunod na araw ang detalye ng kanyang mga funeral arrangements.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page