Wish na sila na lang daw uli… CESAR, BOTONG-BOTO KAY MACKY PARA KAY SUNSHINE
- BULGAR
- Feb 19, 2023
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | February 19, 2023

Finlex ni Sunshine Cruz ang bago nilang bahay ng mga anak na parang ang laki. Hindi pa tapos ang bahay pero sa photos na in-upload, malapit nang malipatan.
Isa sa mga ipinakita ni Sunshine ang bathtub na siguradong aabutin siya nang ilang oras dahil feel na feel nitong nasa loob siya.
Isa sa mga nag-congratulate kay Sunshine sa bago niyang bahay ay si Ara Mina, ang sister ng ex niyang si Macky Mathay.
Comment ni Ara, “Congratulations, sis!” na nakakatuwa dahil kahit break na sina Sunshine at Macky, “sister” pa rin ang turing ni Ara kay Sunshine.
Katas ng sipag, puyat at pagod ang brand new house ni Sunshine dahil hindi siya tumitigil magtrabaho. May pelikula at TV shows siya na kundi sa ABS-CBN ay sa GMA-7 at ngayon, sa Underage ng GMA siya napapanood.
Naalala pala naming pinayuhan ni Sunshine si Cesar Montano na magpakabait na at sana, last na niya ang karelasyon ngayon na si Kath Angeles.
May pambuwelta si Cesar nang mahingan ng comment tungkol kina Sunshine at Macky.
“Advice ko rin sa kanya (Sunshine), sana, si Macky na. ‘Wag na niyang anuhin. Sila na, ang bait-bait ng tao, ang guwapu-guwapo pa. Na-meet ko na kasi.”





Comments