WINWYN, MAS BINATI SI MS. BOHOL KESA SA PINSANG SI MICHELLE DEE
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 18, 2023

Magpinsan ang dalawang beauty queens na sina Michelle Dee at Winwyn Marquez dahil magkapatid ang mga magulang nila na sina Melanie Marquez at Joey Marquez.
Pero ngayon ay ginagawan sila ng isyu dahil lang sa ipinost ni Winwyn sa social media na pagbati at pagsuporta kay Miss Bohol na naging mahigpit na kalaban ni Michelle sa katatapos lang na Miss Universe-Philippines 2023.
Nagtataka ang mga netizens kung bakit sa halip na batiin ni Winwyn ang kanyang pinsan na si Michelle na siyang nag-uwi ng korona sa nasabing beauty pageant ay mas pinili nitong bigyan ng papuri si Miss Bohol.
Well, hindi naman 'yun isyu para kay Michelle kasi marunong naman itong rumespeto sa opinyon ng iba. Alam niyang may kani-kanyang dahilan ang mga taong hindi siya gusto.
Ang mas mahalaga para kay Michelle ay naipaabot niya ang kanyang pasasalamat sa lahat ng taong nagdasal at sumuporta sa kanya.
At hindi niya kakalimutan ang payo sa kanya ng inang si Melanie na dati ring beauty queen at nagkamit ng titulo as Miss International 1979.
Sana lang ay panatilihin ni Michelle ang pagiging mapagkumbaba at 'wag lumaki ang ulo niya sa kabila ng kanyang tagumpay na tinatamasa.





Comments