Winner ang pagiging fan girl, dyowa na ngayon… MARIS, BUKING NA MATAGAL NANG DEAD NA DEAD KAY RICO
- BULGAR
- Mar 21, 2021
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | March 21, 2021

Ang galing ng mga netizens, nahalungkat ang old tweets nina Rico Blanco at Maris Racal at noon pa lang, parang destiny na ang dalawa.
Nadiskubre ng mga netizens ang TikTok ni Rico noong 2017 na ang ginamit na music ay ang song ni Maris na Kahit Na Anong Sablay.
Also, 2017 pa lang, fan na ni Rico si Maris dahil may tweet itong “Hay Rico Blanco when will I hear you sing live?”
May tweet pa siyang “Lord God. Hope you can listen to my unreleased songs!!!”
Noong 2018, may tweet din si Maris na “Happy Birthday @ricoblanco!! PS. Would u sing Balisong on my wedding day?”
Ang laking tuwa siguro ni Maris dahil nagbunga ang pagpa-fan girling niya kay Rico dahil naka-collab niya ito sa composition na Abot Langit na kanila ring ini-release na single.
Ngayon, kung totoo ang tsika na couple ang dalawa at kung maganda ang magiging ending ng kanilang pagiging couple, hindi lang Balisong ang kakantahin ni Rico sa kanilang wedding, baka igawa pa siya ng kanta nito.





Comments