Win, acting Senate Pres... Balik-trabaho na tayo
- BULGAR

- 17 hours ago
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | June 4, 2026

Photo: Win Gatchalian - Senate of the Philippines
Nahalal si Senador Sherwin “Win” Gatchalian bilang Senate President Pro Tempore matapos muling magbukas ng sesyon ang Senado, na nagbigay-daan upang ideklara siya ng mga senador mula sa minority bloc na dumalo bilang acting Senate President.
Samantala, nag-post naman ng isang video sa kanyang Facebook account si Gatchalian ng ilang kaganapan sa Senado na may caption na “Balik-trabaho na tayo sa Senado.”
Naluklok si Gatchalian matapos makabuo ng quorum ang mataas na kapulungan kasunod ng pagdalo ni Senator Francis "Chiz" Escudero.
Bilang bagong Senate President Pro Tempore, pinalitan ni Gatchalian si Sen. Loren Legarda.
Si Escudero lamang ang miyembro ng majority bloc na dumalo sa plenary session, na siyang nagtapos sa dalawang magkasunod na araw na walang sesyon ang Senado dahil sa patuloy na pagliban ng majority bloc.





Comments