top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

WILLIE, UMAMING 'DI PA HANDA ANG AMBS, UMERE NA

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 29, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | September 29, 2022



Aminado ang mga taong nasa likod ng AMBS Channel 2 tulad ni Willie Revillame na hindi pa talaga handa ang ALLTV upang sumabak sa kompetisyon ng mga TV networks.


Unang-una, hindi pa ayos ang mga transmitters na kakailanganin nila upang umere ang mga programang kanilang bubuoin. Napakataas ng expectation ng publiko sa AMBS kaya inakala ng lahat na noong soft- opening nito last Sept. 13 ay ratsada na ang mga shows na kanilang mapapanood sa ALLTV.


Pero, wala silang mga artista na ilalagay sa mga shows ng AMBS o ALL TV. Hindi pa pumipirma ang mga artistang gusto nilang kunin. Isa itong napakalaking challenge sa team ni Wiliie Revillame dahil kailangan nilang patunayan na kaya nilang magdala ng mga shows na panonoorin ng publiko.


Ang game show ni Revillame na Wowowin ang masasabing pambato ng ALL TV dahil sa malalaking cash prizes na mapapanalunan ng mga contestants. Posibleng sa first o second quarter pa ng 2023 makapag-full blast ang operation ng AMBS/ALLTV. Tiyak na gagawin lahat ni Willie Revillame ang kanyang makakaya upang tumaas ang ratings ng mga programa ng AMBS Network.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page