top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

WILLIE, TAGILID NA SA ALLTV, TODO-ENJOY NA LANG SA YAMAN NGAYON

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 27, 2023
  • 1 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | February 27, 2023



Tiyak na nami-miss na ng kanyang mga fans si Willie Revillame. Pansamantala kasing tumigil si Willie sa kanyang programa sa AllTV, ang Wowowin.


Sa kasalukuyan ay puro replay ang ipinapalabas na episode ng Wowowin.


May tsika na nakausap na raw ng may-ari ng AllTV si Willie, pero wala raw konkretong sinabi ang kampo ni dating Sen. Manny Villar sa TV host ukol sa mga programa sa bagong network, bagkus ay sinabihan daw na babalikan na lang nila si Willie.


Dahil dito, tinatamad na raw si Willie na mag-live sa kanyang programa. At may tsika pa na kung saan-saan na lang daw nakikitang nagpupunta si Willie sa mga karatig na lugar sa Batangas kung saan may bonggang rest house ang TV host.


Ayon naman sa aming source, sinasamantala lang ni Willie ang makapagbakasyon sa ibang lugar sa tagal ng panahon na naging busy siya.


Nakakapagpahinga raw nang bonggang-bongga si Willie ngayon. Siyempre, nare-refresh ang isipan niya sa pahinga at nakakaalis ng mga negative vibes. Para pagsalang niyang muli sa trabaho, ang dami niyang fresh ideas and good vibes lang ang napi-feel.


Also, ano pa’t may yate at helicopter siya kung 'di naman niya gagamitin? Sayang lang ang mga ito at ang pinagme-maintain niya ng kanyang mga mamahaling sasakyan kung ‘di niya paaandarin.


At sa tingin namin, this is the best time para paandarin ni Willie ang kanyang helicopter ngayong summer. Very safe mag-travel sa dagat at himpapawid dahil sa magandang panahon.


And knowing Willie, ‘di niya patatagalin ang pagpapahinga at hahanapin din ng katawan niya ang trabaho. Kaya watch out sa muli niyang pag-apir on TV.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page