top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

WILLIE, SUKO NA 'DI KAYANG PATAKBUHIN ANG AMBS KAYA NAG-RESIGN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 14, 2023
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | April 14, 2023




Sa kanyang pag-alis sa AllTV Network, tila nabunutan ng tinik at nawalan ng bigat na pasanin sa kanyang mga balikat si Willie Revillame.


Tinanggap niya sa sarili ang katotohanan na hindi kinaya ng kanyang powers ang pagpapatakbo sa Villar Network. Na-realize niyang hindi ganu'n kadali ang pagsisimula at pagbuo ng programming ng isang network at 3 hanggang 5 taon pa ang kailangan upang makapagsimula ang AMBS.


Maraming tao pa ang kakailanganin ng AllTV upang maging fully operational na ang network.


Hindi magician si Willie para agad-agad ay mabigyan ng mga magagandang shows ang AllTV.


Gaano man kalaki ang kagustuhan niya na makatulong sa AllTV ay hindi niya kakayanin. Hindi maiwasan na magkaroon ng sablay sa kanyang mga plano.


Hindi perpektong tao si Willie, nagkakamali rin siya sa mga desisyon niya sa buhay. Ang pagbibitiw niya sa AllTV ay hindi nangangahulugan na talunan siya at walang kakayahan.


Binigyan lang niya ang kanyang sarili ng kalayaan mula sa napakalaking responsibilidad na nakaatang sa kanyang mga balikat.


Ngayon nga ay makakatulog na nang mahimbing si Willie dahil wala na itong masyadong iniisip at puwede na ring maglibang-libang at mag-golf.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page