Willie Revillame for senator katawatawa
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | June 30, 2021
HINDI SURE WIN SI P-DUTERTE SA PAGKA-VP—May mga law experts na kumukuwestiyon sa legalidad ng pagkandidatong bise-presidente ni P-Duterte, pero hindi porke nakukuwestiyon ay malakas na siya, kundi kaya kinukuwestiyon ay kung nalalabag sa Konstitusyon sa pagtakbo niyang VP kasi nakasaad sa Saligang-Batas na isang term lang ang pangulo, at kapag pinalad siyang maging VP ay puwede ulit siyang maging pangulo (ikalawang termino na) kapag nawala sa poder ang nanunungkulan pangulo.
Parang noong kumandidatong pangulo ulit si ex-Pres. Joseph Estrada noong 2010 election, maraming law experts ang kumuwestiyon kasi naging pangulo na siya noong 1998 election at porke hindi natapos ang termino ay kakandidato ulit, at ang buong akala ni Erap ay malakas siyang kandidato, pero nang matapos ang halalan, ang resulta ay inilampaso siya ni ex-Pres. Noynoy Aquino, period!
◘◘◘
‘REVILLAME FOR SENADOR’, DAMING NAGTAWANAN; ‘PANELO FOR SENATOR’, DAMING NAGALIT—Nang himukin ni P-Duterte si Willie Revillame na kumandidatong senador ay pinagtawanan ito ng publiko kasi may komedyante na sa Senado ay daragdagan pa, pero nang tanungin ng pangulo si Presidential Legal Counsel Salvador Panelo kung nais maging senador para maikampanya na niya ay galit naman ang naging tugon ng mamamayan.
Magagalit talaga ang taumbayan kasi mantakin n’yo, ang naging abogado ni rapist-killer ex-Mayor Antonio Sanchez at ng pamilya Ampatuan na sangkot sa Maguindanao massacre ay ikakampanya ni P-Duterte na maging senador, buwisit!
◘◘◘
HINDI BA ALAM NI P-DUTERTE NA MARAMING KORUP SA KANYANG PAMAHALAAN?—Nagalit si P-Duterte kay Sen. Manny Pacquiao sa sinabi nitong 3-times na talamak ang korupsiyon sa Duterte gov’t., at dahil d’yan ay hinamon ng pangulo ang senador na tukuyin ang mga ahensiya ng gobyerno na may korupsiyon.
Ganu’n? Ibig bang sabihin ni P-Duterte ay hindi niya alam na sangkaterba ang korup ngayon sa kanyang pamahalaan? Boom!
◘◘◘
HINDI LANG SI PACQUIAO, DAHIL PATI SINA BONGBONG AT TULFO AY SINABING TALAMAK KORUPSIYON SA DUTERTE GOV’T.—Hindi lang si Sen. Pacquiao ang nagsabing talamak ang korupsiyon sa Duterte gov’t., marami pang iba ang nagsabi nito, at kabilang sa nagsabi na grabe na ang katiwalian sa pamahalaang Duterte ay ang mga kaalyado ni P-Duterte na sina ex-Sen. Bongbong Marcos at veteran columnist Ramon Tulfo.
Ang sabi ni Bongbong, sa gitna ng pandemya ay pinagkakakitaan pa ng mga korup ang kamatayan ng ating mga kababayan na ang tinutumbok ay ang anomalya sa PhilHealth, at ayon naman kay Tulfo, sa lahat ng naging gobyerno mula kay Aguinaldo, pinaka-korup daw ang Duterte gov’t., period!





Comments