top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

WILLIE, PINAGBEBEBENTA NA ANG MGA PAINTINGS AT PROPERTIES

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 29, 2023
  • 3 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | July 29, 2023



Balik-TV5 na sana ang TV host na si Willie Revillame kung hindi siya humingi ng mataas na talent fee.


Ito ang ibinalita ni Nanay Cristy Fermin sa Showbiz Now Na vlog nila nina Wendell Alvarez at Romel Chika na in-upload nitong Huwebes (July 27) nang gabi.


Bungad ni ‘Nay Cristy, “Ito palang si Willie Revillame ay gagawa ng show sa TV5. Hindi po natin alam na mayroon pala siyang kinakausap na tao para ipasok siya sa TV5. Dapat pala ay magkakaroon na talaga ng katuparan ang kanyang kagustuhan, kaya lang, hindi sila nagkasundo.”


Nagulat sina Romel at Wendell. Ang tanging nasabi ng huli, “Ay, bakit?”


Pagpapatuloy ng SNN host, “Hindi yata ako pupuwedeng maglatag ng mga detalye, basta tungkol ito sa talent fee. Kasi before, nakailang taon din siya sa TV5, tatlong taon?”


Sabay pakita ng poster ng dating programa ni Willie na Wowowillie na napapanood tuwing 11:30 nang umaga sa TV5, na inakala ni Wendell ay produced ito ng Viva TV, kaya kaagad itong ikinorek ni ‘Nay Cristy dahil walang kinalaman dito ang produksiyon ni Boss Vic del Rosario.


“Hindi, TV5 ‘yun (solong producer). Ang gusto pala ni Willie, co-production (with TV5). Magko-co-produce, nu’ng hindi magkasundo ng co-production, gusto niya, i-produce siya ng TV5 (at) talent lamang siya. Station produced dapat at hindi blocktime.


“Kasi siyempre, puwede naman siyang tanggapin (umoo naman sina Romel Chika at Wendell). Why not, ‘di ba? Pero bibilhin mo ‘yung oras, iyo ‘yung produksiyon.


“Ang gusto palang mangyari ni Willie ay siya ay susuwelduhan ng istasyon sa presyong talaga namang nakakalula,” esplika ni ‘Nay Cristy.


Hirit ni Romel Chika, “‘Yung nakakalula, mag-comment na po kayo!”


“Ayun pala ‘yun,” sambit ni Wendell.


“Oo, kaya hindi natuloy. Pero kung pumayag siya (Willie), bibigyan siya ng show sa gabi na parang Jay Leno (American TV host-comedian). ‘Pag Jay Leno kasi, parang Martin After Dark (show ni Martin Nievera),” kuwento pa ni ‘Nay Cristy.


Say naman ni Romel Chika, “Puwede na ‘yun (gabi na) para kahit na ano’ng sinasabi ni Willie, hindi na masyadong (delikado) kasi tulog na ang mga bata.”


Pagpapatuloy ni ‘Nay Cristy, “Pero ang gusto niya ay mamimigay pa rin siya ng papremyo at tulong sa ating mga kababayan. Puwede rin naman ‘yun kapag matindi ang pangangailangan mo, kahit anong oras ‘yan, tatawag ka (sa mga televiewers).'"


Kahit daw alas-diyes o alas-onse nang gabi ay gising pa ang mga tao, kaya’t aabangan pa rin si Willie dahil hoping sila na matawagan ng TV host.


“Oo, aabangan ko talaga na aabangan ako ni Kuya Wil, lalo’t mahigpit ang pangangailangan ko,” katwiran ni Wendell.


“Sayang, eh. Ito siguro ‘yung sinabi niyang babalik na siya,” saad ni ‘Nay Cristy.


At naalala nina Romel Chika at Wendell na may viral video si Willie na maglalabas siya ng bagong kanta pagkatapos ay magbabalik na ulit siya (sa telebisyon).


“Eh, paano na? Wala na?” tanong ni Romel Chika.


“Wala na, babalik siguro siya sa original plan niyang YouTube at FB (live). Palagay ko, hindi na ulit ito magkakaroon ng pag-uusap (Willie at TV5) kasi ang gusto ni Willie, susuwelduhan siya ng istasyon,” pahayag ni ‘Nay Cristy.


Opinyon naman ni Romel Chika ay sana tinanggap na lang nito ang offer ng TV5 dahil ang kailangan naman niya ay exposure para maibigay ang mga pangangailangan ng mga nanonood sa kanya.


Nasambit pa ni ‘Nay Cristy na may mga tsikang nagbebenta na si Willie ng mga paintings at properties.


“Ako, wala akong alam, nakarinig lang ako ng mga kuwento. ‘Di ba mayroon kasi siyang paintings na mamahalin, mga master talaga. Tapos, mga properties niya, hindi kasi siya liquid (cash), puro nasa propyedad. Ang kuwento, nagbebenta na para maging liquid.


“Wala talagang forever, ‘no? Sino’ng mag-aakala na (darating sa ganitong buhay si Willie). Parang ABS-CBN, nawalan ng prangkisa. Sino’ng mag-iisip nu’n? Sino’ng mag-iisip na ang isang Willie Revillame, walang istasyon ngayon?”


Sabi ni Romel Chika, maraming nalulungkot, lalo na ‘yung mga nag-aabang sa kanya kung saan at hanggang kailan sila maghihintay.


Bukas ang BULGAR sa panig ni Willie Revillame.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page